25 Bagong Trainees ng Cotabato City Manpower Development Center, Sumailalim sa Training Induction Program ng MBHTE-TESD

(Litrato mula sa MBHTE-TESD)

COTABATO CITY (Ika-7 ng Nobyembre, 2024)— Nagsagawa ng Training Induction Program (TIP) ang Cotabato City Manpower Development Center (CCMDC) nitong Lunes ika-4 ng Nobyembre na isinagawa sa Bangsamoro Government Center, Cotabato City.

Dalawampu’t limang (25) trainees ang dumalo sa TIP, na naglalayong ihanda sila para sa pagsasanay sa ilalim ng Tile Setting NC-II qualification. Ang pagsasanay na ito ay bahagi ng Bangsamoro Scholarship Program for TVET (BSPTVET), isang inisyatibong nakatuon sa pagbibigay ng mahahalagang kasanayan sa mga mag-aaral upang mapabuti ang kanilang pagkakataon sa larangan ng trabaho at makaambag sa pag-unlad ng komunidad.

Pinangunahan ang programa ni Cotabato City Manpower Development Center (CCMDC) Center Administrator Engr. Moheden R. Saribo, sa tulong ni CCMDC VIS Sir Macmod A. Hadji Ali, MPA, at ng Cotabato City District Office (CCDO) Planning Officer Engr. Rasul K. Datukali, MPA. Ibinahagi nila sa mga trainees ang kahalagahan ng pagsasanay at ang mga benepisyo na maaari nilang makuha mula rito.

Sa pamamagitan ng TIP, hangad ng CCMDC na matulungan ang mga trainees na maging handa sa kanilang mga karera, magbigay ng inspirasyon para sa kanilang pagsisikap, at patatagin ang kanilang kontribusyon sa pag-unlad ng Bangsamoro. Ang pagsasanay na ito ay isa ring paraan upang matupad ang adbokasiya ng Ministry of Basic, Higher, and Technical Education (MBHTE). (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MBHTE, Maglalaan ng Mas Mataas na Badyet para sa Pagpapabuti ng Kalidad ng Edukasyon sa 2025
Next post MSSD Minister Atty. Jajurie tumanggap ng Government Service Award