MILF-BIAF Base Commanders at PSRO, Sumailalim sa Pagsasanay

(Litrato mula sa PSRO-OCM BARMM)

COTABATO CITY (Ika-5 ng Setyembre, 2024) — Isinagawa ng Peace, Security, and Reconciliation Office (PSRO) ng Office of the Chief Minister (OCM)-BARMM ang ikalawang batch ng mga aktibidad na pinamagatang “IDP Protection Mainstreaming and Durable Solutions Training Equips PSRO and MILF-BIAF Base Commanders” at “Planning and Needs Assessment for Transitioning Combatants” noong ika-28 hanggang ika-31 ng Oktubre. Ang mga pagsasanay na ito ay katuwang ang United Nations Development Program (UNDP), International Organization for Migration (IOM), United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR), United Nations Philippines, Bangsamoro SEEDS for Peace, at Peacebuilding Fund.

Sa pagsasanay ay ipinakilala sa mga combatants ang konsepto ng “durable solutions” o pangmatagalang solusyon, kabilang ang ligtas na pagbabalik, lokal na integrasyon, o paglipat ng mga internally displaced persons (IDPs). Natutunan nilang tasahin ang partikular na pangangailangan ng mga displaced communities at ipatupad ang mga programang magpapabilis sa kanilang pangmatagalang pagbangon at katatagan.

Ayon sa PSRO, ang inisyatibang ito na magbigay ng kabuuang suporta sa kapayapaan sa pamamagitan ng pagharap sa pangangailangan ng mga IDPs at sa mga hamon ng MILF-BIAF combatants. Layunin nitong mabigyan ang PSRO at ang mga Base Commander ng MILF-Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) ng kinakailangang kaalaman at kasanayan para sa matagumpay na pagtugon sa pangangailangan ng mga apektadong komunidad at sa transisyon ng mga combatant patungo sa mas mapayapang pamumuhay. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Ayuda, Ibinigay ng ALAB sa mga Apektado ng Pagbaha sa Maguindanao del Norte
Next post MBHTE ipinanukala ang badyet para sa FY 2025 sa Committee on Finance, Budget, and Management