4Ps beneficiaries sa BARMM, Makikinabang sa Nilagdaang Kasunduan ng MBHTE at MSSD

(Litrato mula sa MBHTE-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-2 ng Nobyembre, 2024) — Ang Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) sa pamamagitan ng Office of the Directorate General for Technical Education (DGTE) at ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) ay lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) noong ika-31 ng  Oktubre. Layunin ng kasunduang ito na mapabuti ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at iba pang programa ng MSSD para sa mga komunidad na nangangailangan sa Bangsamoro Autonomous Region.

Sa ilalim ng kasunduan, maglalaan ang MBHTE-TESD ng mga scholarship grant at maglulunsad ng mga pagsasanay para sa mga pamilyang 4Ps beneficiaries at iba pang kwalipikadong benepisyaryo ng MSSD. Ang pagsasanay na ito ay magbibigay sa mga indibidwal ng mga praktikal na kasanayan na may kaugnayan sa iba’t ibang mga industriya sa gayon ay mag papahusay sa kanilang kakayahang magtrabaho upang kumita.

Ibinahagi ni MSSD Director General Atty. Mohammad Muktadir Estrella ang kanyang kasiyahan sa nasabing kasunduan, “We are very happy that our 4Ps households will finally have access to training provided by TESD, our valued partner in this agreement.”

Ipinahayag din ni Minister Mohagher Iqbal ang kanyang buong suporta at pangako sa pagpapatupad ng programang ito, na maghatid ng pagbabago para sa Bangsamoro community.

Nagpahayag naman ng kanyang dedikasyon si Director General ng Technical Education Skills and Development Ruby A. Andong para sa kapakanan ng mga benepisyaryo at sa pagtitiyak na magkakaroon ng makabuluhang resulta ang kanilang mga pagsusumikap.

“MBHTE and MSSD are perfect than any other partnership, MBHTE invests for a long time, it takes 15 years to develop one person to be a professional, MSSD is known for quick response, front liners, so when merging both needs of its constituents, we are able to find a formula that truly uplifts Bangsamoro life,” pahayag ni MSSD Deputy Minister Nur-ainee Tan-lim.  (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MSSD Tamparan, Nagbigay ng Honorarium sa 19 Child Development Workers sa Lanao del Sur
Next post MOST Sinuri ang Epektibong Paggamit ng STARBOOKS, Laboratory Equipment sa Maguindanao at SGA High Schools