Opisyal ng European Union, Nakipagpulong Kay Chief Minister Ebrahim para sa Pagpapalakas ng Proseso ng Kapayapaan sa Bangsamoro

(Litrato Mula sa BARMM Chief Minister Ahod B. Ebrahim Facebook Page)

COTABATO CITY (Ika-1 ng Nobyembre, 2024)— Nagkaroon ng pagpupulong sina Chief Minister Ahod “Al Haj Murad” Ebrahim ng Bangsamoro at si Ms. Paola Pampaloni, Deputy Managing Director for Asia and the Pacific ng European Union External Action Service (EEAS), nitong Huwebes, ika-31 ng Oktubre.

Ang pagbisita ay naglalayong talakayin ang kasalukuyang kalagayan at mga pag-unlad sa proseso ng kapayapaan sa Bangsamoro at kung paano pa mapapalawig ng European Union ang suporta nito para sa patuloy na proseso ng kapayapaan sa rehiyon.

Dumalo rin sa nasabing pagpupulong si Massimo Santoro, EU Ambassador sa Pilipinas; Marco Gemmer, Head of Cooperation; Agata Nowicka, EEAS Desk Officer mula sa Brussels; Frederic Grillet, First Secretary ng EU Delegation sa Pilipinas; at Myrto Christofidou, Programme Officer ng EU Delegation sa Pilipinas.

Sa panig naman ni Chief Minister Ebrahim ay naroon si MP at MBHTE Minister Mohagher M. Iqbal na sya ring Chairman ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) Peace Implementing Panel.

Ang patuloy na pakikilahok ng European Union sa usapin ng kapayapaan ay malaking tulong sa pagsulong ng kaayusan at pag-unlad ng Bangsamoro.

Sa ngayon, kabilang ang UK government na sumuporta sa pagpapaunawa sa ibat’ ibang sektor sa Bangsamoro tungkol sa Bangsamoro Parliamentary Elections 2025 sa pamamagitan ng Activate Bangsamoro Phase 4 Project katuwang ang The Asia Foundation, Bangsamoro Parliament , BIO-BARMM at implementing partners. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post 265 Internally Displaced Persons, Nagtapos sa TESDA Training para sa Muling Pagbangon ng Marawi
Next post MSSD Tamparan, Nagbigay ng Honorarium sa 19 Child Development Workers sa Lanao del Sur