265 Internally Displaced Persons, Nagtapos sa TESDA Training para sa Muling Pagbangon ng Marawi

(Litrato mula sa MBHTE-TESD)

COTABATO CITY (Ika-1ng Nobyembre, 2024)— 265 internally displaced persons (IDPs) ang nakatapos ng komprehensibong pagsasanay sa mga larangang Carpentry, Masonry, at Electrical Installation and Maintenance na ginanap sa MBistro Function Hall sa Marawi City noong ika-25 ng Oktubre.

Ang pagsasanay ay pinangunahan ng TESD Provincial Office Lanao del Sur sa pakikipagtulungan ng Marawi Rehabilitation Program ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Project Management Office (MRP-BARMM PMO).

Ayon pa sa MBHTE-TESD, ito ay bahagi ng CMA project na may layuning mabigyan ang mga IDPs ng sapat na kasanayan para sa muling pagbuo at pagkukumpuni ng kanilang mga tahanan sa Most Affected Areas (MAA) ng Marawi. Ayon sa pamunuan ng proyekto, mahalaga ang mga kursong natapos ng mga IDP upang matulungan silang maging handa at maabilidad sa muling pagtatayo ng kanilang mga pamayanan.

Ang mga nagsipagtapos ay mula sa iba’t ibang Technical Vocational Institutions (TVIs) sa Lanao del Sur kabilang ang AMIN Multi Skills Institute of Technology and Assessment Center, Inc., Sunlight Training Skills and Assessment Center Service Cooperative, Faminanash Integrated Laboratory School, Inc., Esab Training and Assessment Center, Inc., Hadja Carema Lipayan Pangadaman Training and Assessment Center Inc., One 5 Mantra Workforce Training Center Inc., Hope Healthcare Institute, Inc., Salahaddin Institute of Technology, Inc., Maharatul Jawdati Training and Assessment Center Incorporated, FTMS Multi Skills Training and Assessment Center, Inc.

Bilang pagkilala sa kanilang pagsisikap, tumanggap ang mga nagtapos ng certificates, training support fund, at mga toolkits na angkop sa kanilang larangan. Pinangunahan ni MBHTE-TESD Lanao Del Sur Provincial Director, Asnawi L. Bato, ang pamamahagi ng mga ito. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Kababaihang Bangsamoro, Nangunguna sa Pagtataguyod ng Kapayapaan sa BARMM
Next post Opisyal ng European Union, Nakipagpulong Kay Chief Minister Ebrahim para sa Pagpapalakas ng Proseso ng Kapayapaan sa Bangsamoro