Pamilyang apektado ng Baha sa BARMM, nagpasalamat sa tulong ng MSSD

(Litrato mula sa MSSD-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-27 ng Oktubre, 2024) — Nagpasalamat sa tulong na ibinigay ng Bangsamoro government sa pamamagitan ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) ang mga residente na apektado ng tubig-baha sa Kabuntalan, Maguindanao del Norte na may kabuuang bilang na 1,214.

Ayon sa MSSD, nitong ika-21-22 isinagawa ang pamimigay ng tulong, ang bawat pamilya ay binigyan ng welfare goods, kabilang ang 25 kilo ng bigas, de lata, at kape para sa agarang pangangailangan ng pamilyang apektado.

Ang social intervention na ito ay isinagawa sa ilalim ng Emergency Relief Assistance Program ng Disaster Response Management Division ng MSSD.

Ang pamamahagi ng tulong ay pinangasiwaan ng mga field worker mula sa MSSD Municipal Social Welfare Office ng Kabuntalan at mga parasocial workers, na may suporta mula sa Local Government Unit ng Kabuntalan. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Over 30,000 Tarbiyyah Members Gather in Camp Darapanan Vows to Support MILF Leadership
Next post UBJP Party President Ebrahim, Pinangunahan ang Party Convention