Bangsamoro Parliament Nagpasa ng Resolusyon na Palawigin pa ang Transition Period Hanggang 2028

(Litrato mula sa Bangsamoro Transition Authority Parliament Facebook Page)

COTABATO CITY (Ika-23 ng Oktubre, 2024) — Inaprubahan ng Bangsamoro Parliament ang isang resolusyon na humihiling sa House of representative at Senado na i-extend ang transition period ng rehiyon mula 2025 hanggang 2028. Layunin nitong ipagpaliban ang unang regular na parliamentary elections ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), na orihinal na nakatakda sa 2025, upang mas magkaroon ng sapat na panahon ang lahat ng stakeholders para makapaghanda sa isang maayos na demokratikong transisyon.

Ayon kay Floor Leader at Committee on Rules Chair Sha Elijah Dumama-Alba, ang karagdagang panahon ay makakatulong upang malutas ang mga legal na isyung lumitaw kaugnay ng proseso. Bukod dito, magkakaroon din ng mas malawak na partisipasyon mula sa iba’t ibang partido politikal at mabibigyan ng mas malinaw na pag-unawa ang mga botante sa bagong sistema ng eleksyon.

Nanawagan din ang Parliament sa Ministry of Basic, Higher, and Technical Education (MBHTE) na magpatupad ng mga hakbang upang magbigay ng libreng hygiene kits, kasama na ang sanitary napkins, sa lahat ng pampublikong mataas na paaralan sa rehiyon.

Samantala, sina Members of Parliament Suharto Esmael at Tawakal Midtimbang ay nagsabi para sa dalawang mahahalagang panukala: ang pagtatatag ng Bangsamoro Hymn Code of Decorum and Rules at ang pagbibigay ng libreng serbisyong marriage counseling. Ang BTA Bill Nos. 175 at 256 ay inirefer na sa Committees on Local Government (CLG), Basic, Higher, and Technical Education (CBHTE), at Social Services and Development (CSSD) para sa karagdagang pagtalakay. (Hasna U. Bacol,BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post UBJP SGA Chapter, Pinalalakas ang Estratehiya sa Paghahanda para sa 2025 Parliamentary Elections