Project TABANG Namahagi ng Hygiene Kits sa Pagsisimula ng National Correctional Consciousness Week 2024

(Litrato mula sa Project TABANG)

COTABATO CITY (Ika-22 ng Oktubre, 2024) — Sa ginanap na kick-off ceremony ng National Correctional Consciousness Week (NACOCOW) ngayong taon, namahagi ang Project TABANG ng hygiene kits sa mga Person Deprived of Liberty (PDLs) sa Female Dormitory ng Cotabato City Jail noong Lunes, ika-21 ng Oktubre. Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at may temang “Makataong Pakikitungo, Matinong Pamumuno at Matatag na Prinsipyo tungo sa Maunlad na Serbisyong Pampiitan.”

Ang NACOCOW ay alinsunod sa Presidential Proclamation No. 551, series of 1005, na idineklarang tuwing ikatlong linggo ng Oktubre ay ipinagdiriwang bilang National Correctional Consciousness Week. Layunin nitong itaas ang kamalayan ng publiko at pribadong sektor hinggil sa kalagayan ng mga PDLs, gayundin ang pagpapalaganap ng kaalaman para sa kanilang muling pagsasama sa lipunan.

Taon-taong ipinagdiriwang ang NACOCOW upang mapalawak ang kaalaman ukol sa mga karapatan, rehabilitasyon, at re-integrasyon ng mga PDLs. Kinikilala rin nito ang mahalagang papel ng mga pasilidad ng pagwawasto sa pagtulong na maging mas ligtas at inklusibong komunidad.

Dumalo sa nasabing kaganapan si Project TABANG Health Ancillary Services Head Sittie Majadiyah E. Omar, na kumakatawan kay Project Manager Abobaker I. Edris, kasama ang Project Development Officer na si Yasser Datucabile. Kasama rin sa pagdiriwang si JInsp. Cherry Durante, pinuno ng Cotabato City Jail-Female Dormitory, Dr. Mangontawar A. Daing mula sa Sanitarium and General Hospital, at Dr. Portia Charisma Ruth A. Ortiz, dermatologist ng Cotabato Regional and Medical Center (CRMC).

Ang Project TABANG, ay kabilang a flagship program ni Chief Minister Ahod “Alhaj Murad” Ebrahim ng Bangsamoro Government, ay patuloy sa pagbibigay ng tulong sa mga PDLs bilang bahagi ng adbokasiya na hangaring mailapit ang gobyerno sa komunidad ng Bangsamoro. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Two-storey public market, pormal ng ibinigay ng Bangsamoro Govt. sa Buldon, MDN
Next post Chief Minister Ebrahim, UNICEF Officials Strengthen Protection of Child Rights in BARMM