MSSD Inilunsad ang “Sagip Paningin Para kay Lolo at Lola” sa Cotabato City

(Litrato mula sa MSSD-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-21 ng Oktubre, 2024) — Inilunsad ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) ang programang “Sagip Paningin Para kay Lolo at Lola” sa Cotabato City noong Ika-19 ng Oktubre. Ang pilot assessment ay isinagawa para sa 39 na matatandang benepisyaryo sa People’s Palace Lobby, Cotabato City.

Ang “Sagip Paningin Para kay Lolo at Lola” ay ginawa upang tugunan ang mga pangangailangan sa paningin ng mga mahihirap na nakatatanda sa Bangsamoro Region. Layunin ng programang ito na magbigay ng libreng salamin sa mata para sa mga matatanda, upang mapabuti ang kanilang kakayahang makakita at guminhawa ang kanilang buhay.

Sa pagbubukas ng programa, ipinaliwanag ni Jaymar Sali, RSW, focal person ng OPPWDWP, ang layunin ng programa at ang proseso ng assessment para sa pamamahagi ng mga salamin.

Ayon kay MSSD Minister Atty. Raissa H. Jajurie, mahalaga ang paningin sa kalusugan ng mga matatanda at ang kakayahan nilang makipag-ugnayan sa kanilang kapwa.

Kasama sa programa si Dr. Zuhra Adam Glang, may-ari ng Glang Eye Care Clinic, na naging katuwang ng MSSD sa proyektong ito. Ayon kay Dr. Glang, “We, at Glang Eye Care Clinic, are here to assist and provide eye examinations for our elderly and to offer quality eyeglasses that will bring joy and correct vision problems.”

“In 10 days, after the assessment of our elderly, we will be able to provide eyeglasses that suit the needs of our beneficiaries,” dagdag ni Glang

Isa sa mga benepisyaryo, si Gloria Maja, na nagpasalamat sa MSSD at sa Glang Eye Care Clinic. Sa susunod na mga buwan, target ng programa na tulungan ang 1,000 matatandang benepisyaryo mula sa iba’t ibang lalawigan ng Bangsamoro region. Nakatuon ang MSSD sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga nakatatanda sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kinakailangang serbisyo para sa kanilang kalusugan at dignidad.

Dumalo rin sa aktibidad sina Sandra Macacua, RSW, MSSW, Division Chief of Protective Services ng MSSD, Bai Fatty S. Accoy, RSW, MSSW, Assistant Chief ng Disaster Response and Management Division, Farida Pangilan, RSW, Chief of Social Welfare Division ng Cotabato, Jidday B. Lucman, Information Officer III, at mga kinatawan mula sa City Social Welfare Office at Local Government Unit ng Cotabato City. (Hasna U. Bacol,BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post 1,500 Mag-aaral Tumanggap ng School Kits mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Norte
Next post Bangsamoro Human Rights Commission, UNICEF tinutukan ang Pagprotekta sa Karapatan ng mga Bata sa BARMM