31 na Mag-aaral ng MSU-Marawi, Kwalipikado sa 2024 Junior Level Science Scholarships
COTABATO CITY (Ika-21 ng Oktubre, 2024) — Ipinapaabot ng Bangsamoro Government at ng Ministry of Science and Technology (MOST) ang kanilang pagbati sa tatlumpu’t isang (31) kwalipikado mula sa Mindanao State University – Marawi, na napili bilang bahagi ng 2024 Junior Level Science Scholarships (JLSS) na iginagawad ng Department of Science and Technology (DOST).
Ang mga JLSS qualifiers na ito ay mga incoming third-year college students na kumukuha ng mga degree program sa Science at teknolohiya. Layunin ng programang ito na matiyak ang sapat at tuloy-tuloy na supply ng mga kwalipikadong propesyonal sa larangan ng S&T upang makatulong sa pag-unlad ng bansa.
Narito ang mga benepisyong matatanggap ng mga kwalipikado sa panahon ng kanilang pag-aaral: PhP40,000.00 para sa matrikula at iba pang bayarin kada akademikong taon, PhP10,000.00 na allowance para sa aklat kada akademikong taon, buwanang allowance na PhP10,000.00, pati na rin ang mga benepisyo tulad ng damit, transportasyon, insurance laban sa aksidente, allowance para sa thesis, at graduation allowance. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)