Bangsamoro Parliament Ipinasa ang Parliament Bill Nos. 338, 339, 340 sa Unang Pagbasa

(Litrato mula sa Bangsamoro Transition Authority Parliament Facebook Page)

COTABATO CITY (Ika-19 ng Oktubre, 2024) — Tatlong (3) bagong panukalang batas ang inihain sa Unang Reading upang tugunan ang mga pangunahing pangangailangan sa rehiyon, kabilang na ang para sa mga batang may espesyal na pangangailangan, pagkakaroon ng access sa kuryente, at mga proyekto sa sanitasyon.

Kabilang sa mga panukalang ito ang Parliament Bill (PB) No. 338 o ang Bangsamoro Comprehensive Support for Children with Neurodevelopmental Disorder and Special Needs Act na naglalayong magbigay ng komprehensibong suporta para sa mga batang may neurodevelopmental disorder. Kasama rin ang PB No. 339, Solar Energy Promotion and Accessibility Act, na naglalayong palaganapin at gawing mas accessible ang paggamit ng solar energy sa rehiyon, at PB No. 340 o ang Restroom Handheld Bidet Sprayer Act, na naglalayong gawing standard ang paggamit ng handheld bidet sprayers sa mga pampublikong palikuran.

Samantala, dalawang panukalang batas ang nakalusot na sa ikalawang pagbasa, ang PB No. 159, na kilala bilang People’s Alternative System of Addressing Disputes Act, na nagmumungkahi ng alternatibong paraan sa paglutas ng mga alitan at ang PB No. 302 o ang Ibadah Friendly Hospital Act, na nag-uutos sa mga ospital na sumailalim sa akreditasyon upang maituring na “Ibadah friendly,” o mga ospital na may pagsasaalang-alang sa mga pangangailangan ng mga Muslim na sumasamba.

Matapos ang mga mensahe nina Parliament Members Mohammad Kelie Antao at Suharto Esmael, ang mga panukalang batas na ito ay tinukoy sa mga komite para sa karagdagang pagsusuri, kabilang ang Committee on Bangsamoro Justice System (CBJS), Committee on Health (COH), at Committee on Finance, Budget, and Management (CFBM).

Bukod pa rito, isang resolusyon ang inaprubahan na nag-aatas sa Ministry of Public Works (MPW), Bangsamoro Planning and Development Authority (BPDA), at iba pang kaugnay na mga Ministry na isulong ang paghahanda at pagsusumite ng mga prayoridad na proyekto ng mga lalawigan at bayan upang makakuha ng pondo mula sa pambansang pamahalaan. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Serbisyo ng MSSD-BARMM, Umarangkada para sa Bangsamorong Meranao sa LDS
Next post Bangsamoro Education Ministry Advances Infrastructure Projects in the Region