MOST Pinangunahan ang Pagbubukas ng 2024 Bangsamoro Science and Technology Week sa BARMM
COTABATO CITY (Ika-17 ng Oktubre, 2024) — Pormal nang sinimulan ang 2024 Bangsamoro Science and Technology Week (BSTW) sa Cotabato State University, Cotabato City kahapon, ika-16 ng Oktubre, sa pangunguna ng Ministry of Science and Technology (MOST) ng Bangsamoro Government. Tampok sa pagbubukas ang engrandeng seremonya at ribbon cutting na pinangunahan nina Minister Engr. Aida M. Silongan, MAPDS, at Dr. Sema G. Dilna, Pangulo ng Cotabato State University.
Ang temang “Harnessing Science, Technology, and Innovation: Unlocking Bangsamoro’s Potential for Sustainable Development” ay nagbibigay-diin sa layunin ng kaganapan na itaguyod ang pagsulong ng agham at teknolohiya bilang susi sa pangmatagalang pag-unlad ng rehiyon.
Binigyang-diin ni Minister Silongan ang mahalagang papel ng agham at teknolohiya sa pag-aangat ng rehiyon. “Ang BSTW ngayong taon ay isang plataporma para ipakita ang mga inobasyon at progreso na magdadala sa Bangsamoro patungo sa mas masaganang kinabukasan. Kami ay nakatuon sa pagsuporta sa mga lokal na siyentipiko, mananaliksik, mag-aaral, at negosyante upang mag-ambag sa pag-unlad ng ating rehiyon,” aniya.
Sa mensahe naman ni Chief Minister Ahod “Alhaj Murad” Ebrahim, kanyang ipinunto ang moral na pamamahala sa pamamagitan ng aplikasyon ng agham at teknolohiya ay malaking bagay sa pagsusulong ng kaunlaran sa pamamagitan ng pagpapatupad sa 12-point priority agenda.
“Guided by the principles of moral governance and through the application of science and technology, we have made significant progress in translating our enhanced 12-point priority agenda into concrete programs and services that will benefit the Bangsamoro people,” wika pa ni Ebrahim sa pamamagitan ng AVP.
Pinasalamatan naman ni MBHTE Minister Mohagher M. Iqbal si Minister Silongan sa kanyang mga nagawa at ginagawa pang mga programa sa kanyang tanggapan.
“I want to begin by commending Minister Silongan and the Ministry of Science and Technology for their exceptional work in implementing these programs,” pahayag ni Iqbal na binasa ni DG Abdullah “Junn” P. Salik, Jr. sa programa.
“Through your leadership and vision, the BASE and BASE-Merit programs have become powerful tools that open doors of opportunity for our youth. These programs provide more than just financial assistance-they ignite the spark of curiosity and the drive for innovation among our students, particularly in science, technology, engineering, and mathematics (STEM). For this, we are deeply grateful,” dadag pa sa mensahe.
Nagpaabot din ng mensahe si Iqbal sa grantees, ang pagsusumikap at dedikasyon nila ay nagbigay ng lugar sa prestihiyosong programa. “You stand at the threshold of new opportunities where your talents in STEM can be developed to their fullest potential. These disciplines are not only vital for your personal success but are crucial to the advancement of our communities and the overall development of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Your role in this future is significant, and your responsibility is great,” punto pa ni Iqbal.
Sa mensahe naman ni MP Suharto S. Esmael na siyang Chairman ng Committee on Science and Technology ay kinilala ang pagbuo ng Bangsamoro Science High School na magbibigay daan upang mas marami pang Bangsamoro learners ang makapag pokus sa pag-aaral ng agham at teknolohiya upang magamit sa kaunlaran sa rehiyon ng Bangsamoro.
“Nagsimula na po tayo sa pag establish ng first phase sa ating Bangsamoro Science High School. Let’s hope na yung mga kapatid natin, tayo mismo or mga anak natin ay maging estudyante ng Bangsamoro Science HIgh School na ito,” ayon pa sa kanya.
“It is a testament to our commitment to nurturing the next generation of scientists, engineers, and innovators in the Bangsamoro region,” wika ni Esmael.
Dinaluhan ang kaganapan ng mga opisyal mula sa iba’t ibang sektor, kabilang ang mga akademiko, maliliit at katamtamang negosyo (MSMEs), mananaliksik, exhibitors, mag-aaral, lokal na imbentor, pribadong industriya, at iba pang mga bisita.
Isa sa mga tampok ng unang araw ng kaganapan ay ang pamamahagi ng mga grant sa mga karapat-dapat na mag-aaral, ang presentasyon ng Bangsamoro Science High School Highlights, at ang pagkilala sa mga MOST Scholars na nagtamo ng Latin Honors at mga internasyonal na parangal sa mga kumpetisyon sa agham. Pinarangalan din ang mga Mambabatas na sumuporta sa Mujahideen Assistance for Science Education (MASE) at Transitional Development Impact Fund (TDIF).
Bukod dito, isinagawa rin ang ika-4 na BARMM Health Research and Development Forum, na sinundan ng Bangsamoro Region-Wide Science Olympiad na gaganapin ngayong araw ng Huwebes. Ang mga kaganapang ito ay layuning hikayatin ang mga mag-aaral at propesyonal na makilahok sa mga talakayang pang-agham at mga kompetisyon na magpapalaganap ng kultura ng inobasyon sa komunidad ng Bangsamoro.
Muling ipinahayag ng MOST-BARMM ang kanilang dedikasyon sa pagtataguyod ng agham at teknolohiya bilang sandigan ng mas matatag at maunlad na Bangsamoro. (Hasna U. Bacol at Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)