1,267 Senior Citizen sa Bacolod-Kalawi, LDS, Tumanggap Tulong Pinansyal sa MSSD

(Litrato mula sa MSSD-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-17 ng Oktubre, 2024) — Umabot sa 1,267 na mahihirap na senior citizen mula Bacolod-Kalawi, Lanao del Sur ang tumanggap ng subsidiya mula sa Ministry of Social Services and Development (MSSD) sa ilalim ng Social Pension (SocPen) Program. Ang pamamahagi ng cash assistance ay naganap noong ika-11 ng Oktubre hanggang ika-12 sa Lakeside Gym, Barangay Poblacion II.

Bawat senior citizen ay nakatanggap ng PhP6,000 bilang kabuuang halaga ng PhP1,000 buwanang subsidiya para sa ikalawang semestre ng taon. Para naman sa mga bedridden na benepisyaryo, nagsagawa ng house-to-house na pamamahagi ang MSSD Bacolod-Kalawi Municipal Social Welfare Office.

Ang SocPen Program ay isang pambansang programang nakatuon sa proteksyon at suporta sa mga senior citizen, partikular sa mga kabilang sa mga pinakanangangailangang sektor. Layunin nito na matulungan ang mga nakatatanda na tugunan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, tulad ng pagkain at gamot. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MBHTE tuloy ang konstruksyon ng School building sa BARMM; DG Salik, Dumalo sa Bangsamoro Science and Technology Week Program
Next post BARMM lawmakers seek inquiry on mass termination of Cotabato City Government’s contract of service employees