CHED Nagtutulungan sa BARMM para sa Maayos na Edukasyon sa Rehiyon
COTABATO CITY (Ika-15 ng Oktubre 2024) — Ipinahayag ng Commission on Higher Education (CHED) na patuloy nilang sinusuportahan ang mga proyekto sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para sa pagpapalakas ng mas mataas na edukasyon sa rehiyon. Sa webiste post ng edcom2, sinabi ni CHED Chairperson Prospero De Vera, ang mga proyekto ay depende sa mga pangangailangan ng rehiyon dahil sa kanilang kalayaan sa pamamahala.
“We have funded several projects that support higher education in the BARMM. But it always depends on what they ask for, which is part of their autonomy. But whatever the request, we respond as a commission, including giving grants to SUCs in the region,” ani De Vera.
Dagdag pa rito, iminungkahi ni Senator Sherwin Gatchalian ang pagtatatag ng Education Commission 2 (EDCOM 2) upang higit pang palakasin ang ugnayan ng CHED at mga opisyal ng BARMM. Layunin nitong magpatuloy ang maayos na diskusyon ukol sa mga isyung kinakaharap ng edukasyon sa rehiyon.
“We feel that from a national perspective, lahat dapat ng regions should benefit from free higher education and also from the subsidies that we are giving,” ani Gatchalian.
Ang hakbang na ito ay layong matiyak na ang bawat rehiyon, kasama ang BARMM, ay makakatanggap ng pantay na benepisyo mula sa mga programang pang-edukasyon ng pamahalaan, partikular na sa libreng edukasyon sa kolehiyo at mga subsidiya. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)