Barangay Bagua Uno, Tumanggap ng Bagong Patient Transport Vehicle mula kay MP Atty. Dumama-Alba

(Litrato mula sa Facebook post ni Atty. Lai B. Dumama-Alba)

COTABATO CITY (Ika-15 ng Oktubre, 2024) — Pormal na itinurn-over ni MP Atty. Sha Elijah B. Dumama-Alba, BTA Parliament Floor Leader at Minister ng Ministry of the Interior and Local Government (MILG), ang bagong Patient Transport Vehicle sa Barangay Bagua Uno sa kanilang Barangay Assembly Day. Ang naturang sasakyan ay mula sa Transitional Development Impact Fund (TDIF) ng Floor Leader Atty. Lai Dumama-Alba.

Ang turnover ng Patient Transport Vehicle, na layong mapahusay ang emergency response at healthcare access, ang naging tampok na bahagi ng programa. Pinangunahan ni Punong Barangay Mohammad Modifh Andong Midtimbang ang nasabing pagtitipon na dinaluhan ng mga lokal na lider at residente ng barangay.

Dito, tinalakay nila ang mga nagawa ng barangay at mga plano para sa hinaharap. Pinuri naman ni Minister Dumama-Alba ang pamumuno ni Punong Barangay Midtimbang at ang aktibong partisipasyon ng komunidad. Binigyang-diin niya na ang pagpapalakas ng mga barangay ay susi sa pagbuo ng isang mas matatag at mas progresibong Bangsamoro.

Sa kaniyang mensahe, ipinahayag ni Atty. Lai ang patuloy na suporta ng BARMM, sa ilalim ng pamumuno ni Chief Minister Ahod “Alhaj Murad” Ebrahim, sa mga lokal na komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng Patient Transport Vehicle at mga programang pangkapasidad na nagpapalakas sa lokal na pamamahala. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post CHED Nagtutulungan sa BARMM para sa Maayos na Edukasyon sa Rehiyon
Next post Pamahalaang National at Bangsamoro, Nagsagawa ng Ika-20 Intergovernmental Relations Body Meeting