Empleyado ng MOST Bumisita sa Davao City Central 911 Emergency Response Center
COTABATO CITY (Ika-11 ng Oktubre, 2024)— Bilang bahagi ng pagsasanay sa operasyon ng Bangsamoro Weather Monitoring System, Local Forecasting, at Broadcasting, bumisita ang mga empleyado ng Ministry of Science and Technology (MOST) sa Davao City Central 911 Emergency Response Center ngayong araw ika-11 ng Oktubre.
Ang layunin ng pagbisitang ito ay upang makakuha ng kaalaman at mga pangunahing kasanayan sa disaster at emergency response, at upang matutunan ang mga best practices ng 911 Emergency Response Center. Nagbigay din ito ng pagkakataon na masuri ang mga teknolohiya, pamamaraan, at mga protokol na ginagamit upang matiyak ang mabilis at epektibong pagtugon sa panahon ng kritikal na mga sitwasyon.
Nakatuon ang MOST sa pagtiyak na ang kanilang mga tauhan ay may sapat na kaalaman sa pag-iwas at pagpapagaan ng mga sakuna at emergency. Sa ganitong paraan, mas makatutulong sila sa komunidad sa panahon ng mga natural at human-induced na kalamidad. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)