PNP at BARMM, Nagkaisa para sa Matibay na Kooperasyon at Kapayapaan sa Rehiyon

(Litrato mula sa PSR)-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-9 ng Oktubre, 2024) — Pinangunahan ni Director Anwar S. Alamada, Executive Director ng Peace, Security, and Reconciliation Office (PSRO) at Chairman ng Moro Islamic Liberation Front – Ad Hoc Joint Action Group (MILF-AHJAG), ang courtesy call kasama sina Omar Bayao, miyembro ng MILF Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities (CCCH), at BGen. Nasser Lidasan ng Philippine Army, Chairman ng GPH-CCCH ang pagpupulong sa Police Regional Office 12 sa Tambler, General Santos City kahapon ika-8 ng Oktubre.

Mainit silang tinanggap ni Regional Director PBGen James E. Gulmatico ng PRO 12, kasama ang iba pang senior representatives ng Philippine National Police (PNP) ang representante mula Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na layong patatagin ang umiiral na ugnayan at kooperasyon sa pagitan ng dalawang panig.

Ayon sa PSRO, ang pagpupulong ay nagsisilbing plataporma para sa bukas na talakayan at pagpapalitan ng mahahalagang pananaw, na higit pang nagpapatibay sa dedikasyon ng magkabilang panig na mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa rehiyon. Sa pamamagitan ng ganitong mga pagpupulong, inaasahang lalong titibay ang relasyon ng PNP at BARMM tungo sa patuloy na kaunlaran at kaligtasan ng mga komunidad sa Mindanao. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post UBJP Candidates ng Lanao del Sur, Pormal nang Nagsumite ng COC para sa 2025 Elections
Next post ‘Pamimilit, hindi totoo’ – Mayors ng Maguindanao del Norte at suportado ang kaalyadong UBJP Gubernatorial Candidate Datu Tucao Mastura sa 2025 Elections