Pamahalaang Bangsamoro, humiling sa Korte Suprema na muling isama ang Sulu sa BARMM
COTABATO CITY (Ika-8 ng Oktubre, 2024) — Inihain ng Pamahalaang Bangsamoro, sa pamamagitan ng Bangsamoro Attorney General’s Office (BAGO), noong Martes, ika-1 ng Oktubre, ang mosyon para humiling ng pahintulot na makialam sa kaso ukol sa pag-alis ng lalawigan ng Sulu mula sa rehiyon, at muling isama ito sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Isinumite ang mga mosyon sa Korte Suprema noong Martes, matapos matanggap ng BARMM noong ika-16 ng Setyembre, ang desisyon ng Korte Suprema na nagtatanggal sa lalawigan ng Sulu mula sa BARMM noong ika-9 ng Setyembre.
Ayon sa mga alituntunin ng Korte, maaaring maghain ang isang partido ng mosyon para sa muling pag-aaral ng desisyon sa loob ng 15 araw mula sa pagkakatanggap nito, kasama ang patunay ng serbisyong legal sa kalabang partido.
Sa website post ng Bangsamoro government, ay ipinaliwanag ni Atty. Mohammad Al-Amin Julkipli, isang Tausug at Officer-in-Charge (OIC) ng BAGO, noong ika-4 ng Oktubre, na ang mosyon para sa pahintulot na makialam ay inihahain upang humiling ng pahintulot ng Korte para sa isang partidong hindi orihinal na kasama sa kaso, na makisali sa pagdinig.
“When the Court agrees with you that you are a party that is worthy to take part in the case, you can be allowed to file your succeeding court documents or pleadings,” ayon kay Julkipli.
Dagdag pa niya, “For us in the BARMM, there is a special circumstance because when this case was filed in 2018, the BARMM was not yet constituted. When it was already pending in the Court, the BARMM, even though it has already been constituted, was not formally impleaded; meaning, throughout the lightlife of the case, the autonomous region itself was never a party.”
Kasama ng mosyon ang kahilingang muling pag-isipan ng Korte Suprema ang desisyon ukol sa pag-alis ng Sulu sa BARMM.
Noong ika-9 ng Setyembre, nagpasya ang Korte Suprema na ihiwalay ang Sulu mula sa rehiyon matapos makakuha ng 54% negatibong boto sa plebisito noong 2019, dahilan upang hindi maisama ang lalawigan sa rehiyon.
Dagdag pa rito, pinanatili ng Korte Suprema na ang Republic Act No. 11054, o Bangsamoro Organic Law (BOL), na siyang lumikha sa BARMM, ay naaayon sa Saligang Batas.
Dahil ang desisyon ng Korte ay “partially granted,” tinutukan ng Pamahalaang Bangsamoro ang “partial reconsideration” na nakapaloob sa mosyon para sa pahintulot na makialam, partikular sa muling pagsasama ng Sulu.
Nilinaw din ni Atty. Julkipli na ang mga mosyon ay inihain dahil ang nakasaad sa desisyon ay ‘immediately executory’ at hindi ‘final and executory.’ Sa ganitong pagkakataon, binigyan ng pagkakataon ang rehiyonal na pamahalaan na gumawa ng mga legal na hakbang.
Binigyang-diin ng OIC Attorney General na ang kaso ay mahalaga sa buong Pamahalaang Bangsamoro kaya’t may mga “strong positions and feelings” ukol sa hinaharap ng kaso.
Aniya, “In the event that the Court reverses its ruling, deciding that Sulu’s inclusion is not unconstitutional, meaning it’s perfectly legal, that only means that the province does not need to be excluded from the autonomous region. As for us, that is already a signal that we can just continue with the status quo.”
Ipinahayag ni Atty. Julkipli ang pagiging maingat pero positibo ng BARMM bilang tagapagtaguyod na marinig at mabigyan ng konsiderasyon, aniya, “It is also because we exerted all our diligence to really make this as foolproof as we can so we can really be convincing and we can really influence the result that we want.”
Dagdag pa niya, “This is born by that desire of the autonomous region to defend the integrity of the regional territory, but more importantly, as the Chief Minister emphasized, it is because the province of Sulu is very fundamental to the cause of the Bangsamoro […] and that it is part and parcel of the Bangsamoro identity with a very important role to play in our continuous struggle for our autonomy and development as one people.” (Hasna U. Bacol,BMN/BangsamoroToday)