Bangsamoro Learner sa Notre Dame Siena College of Tacurong kinilala ng MBHTE ang kanyang Painting
COTABATO CITY (Ika-8 ng Oktubre, 2024) — Kinilala ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) si Al-Fairah Mae Z. Masulot, isang Grade 10 na mag-aaral mula sa Notre Dame Siena College of Tacurong sa Buluan, Maguindanao del Sur, dahil sa kanyang kahanga-hangang talento sa sining.
Ang Bangsamoro Learer na si Masulot ay lumikha ng isang napakagandang portrait ni Minister Mohagher M. Iqbal gamit lamang ang isang stick ng Nescafe bilang kanyang pangguhit. Ang detalyadong likhang-sining na ito ay natapos sa loob ng wala pang 12 oras, na isinagawa sa mga oras pagkatapos ng klase, at tunay na nagpapakita ng kanyang talent at husay sa pagpinta.
Nakilala ang kanyang obra matapos niyang ibahagi ang proseso ng paggawa nito sa isang Facebook reel, na agad namang napansin ng MBHTE. Sa kanyang pagbisita sa MBHTE Regional Office, ibinahagi niya ang kanyang inspirasyon: “If you believe in Allah’s plan, there is no impossible. Everything is possible through Allah’s plan.”
Ang kanyang malikhaing likha at determinasyon ay nagsisilbing inspirasyon sa mga batang artista, na nagpapakita ng taimtim na pananampalataya at pagsusumikap sa pag-abot ng tagumpay.
Ibinigay naman ni Minister Iqbal ang kanyang isinulat na librong Bangsamoro: a nation under endless tyranny by Salah Jubair kalakip ang paglagda ng education Minister sa naturang Bangsamoro history book. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)