UBJP Cotabato City Candidates Pinangunahan ni Mayor Matabalao ang Paghain ng COC sa COMELEC Para sa 2025 Elections
COTABATO CITY (Ika-5 ng Oktubre, 2024) — Lumabas ngayong araw ng Sabado sa kanilang mga tahanan ang libu-libong supporters ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) dito sa Lungsod ng Cotabato upang samahan sa paghain ng Certificate of Candidacy (COC) ang mga pambato ng partido na siya ring political wing ng Moro Islamic Liberation (MILF) ang kasalukuyang Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” Dela Cruz Matabalao kasama ang bagong napili ng UBJP na tatakbong Vice Mayor sa Lungsod na si Kap. Johar Madag.
“Allahu Akbar!”. “Matu Tanu!” ang maririnig na isinisigaw ng mga supporters ng UBJP sa lungsod na nakasuot ng kulay berdeng damit na sumisimbolo sa UBJP. Makikita sa mga larawan na kuha ng UBJP Cotabato City sa lansangan ng lungsod ang paghahain ng UBJP Cotabato City ng COC sa COMELEC ay maihahalintulad sa mga taong nanawagan ng ceasefire sa Gaza, Palestine sa iba’t ibang panig ng mundo dahil sa dami ng mamamayan ng lungsod ang nagpapakita ng solidong suporta sa mga kandidato ng UBJP sa Cotabato City na bahagyang nagpabalam sa trapiko.
Napili ng UBJP sina Florante Formento, Elboy Midtimbang, Mohamad Mangelen, Anwar Malang, Michael Datumanong, Faidz Edzla, Joven Pangilan, Jonas Mohammad, Datu Raiz Sema at Shalimar Candao para sa Councilors ng Cotabato City.
Ang United Bangsamoro Justice Party ay inorganisa noong 2014 ng Moro Islamic Liberation Front bilang behikulo para tumakbo sa darating na halalan at pormal nang nakarehistro ang partido pulitikal noong Mayo 2015 sa Commission on Elections.
Inaasahan ng MILF, isang rebeldeng grupo na lumalaban para sa sariling pagpapasya ng mga Moro sa Mindanao na magta’ transform bilang isang social movement, ang paglikha ng isang Bangsamoro autonomous region noong taong 2019, pagkatapos na magkaroon ng kasunduan sa kapayapaan sa gobyerno ng Pilipinas at sa pamamagitan ng Moral Governance na uri ng pamamahala ay manunumbalik ang wagas na kapayapaan at walang humpay na kaunlaran at kasaganaan sa Bangsamoro region. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)