Ministry of Human Settlements and Development 3rd Quarter In-House Updating, Itinampok ang mga Nagawa ng Ministeryo

(Litrato mula sa MHSD-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-4 ng Oktubre, 2024) — Matagumpay na naisakatuparan ng Ministry of Human Settlements and Development (MHSD), ang Housing Arm ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), ang ikatlong Quarter In-House Updating para sa taong 2024 noong ika-27 ng Setyembre na ginanap sa Conference Room ng MHSD Regional Office, Bangsamoro Government Center.

Pinangunahan ng Information and Communications Section (ICS), sa pakikipagtulungan ng Internal Planning Section (IPS), ang pag-update na may layuning pahusayin ang komunikasyon, itaguyod ang pananagutan, at magkaroon ng malinaw na talaan ng mga nagawa at mga kinakailangang aksyon mula Hulyo hanggang Setyembre nitong taon.

Dinaluhan ito ng mga pangunahing opisyal mula sa iba’t ibang dibisyon at seksyon ng MHSD na aktibong nagbahagi ng kanilang mga ulat, mga nagawa, at mga kinaharap ng kanilang mga yunit. Sa kanilang mga presentasyon, tinukoy nila ang mga paraan upang mapaigting ang pagtutulungan, makabuo ng mas matalinong mga desisyon, at magpatupad ng mas epektibong estratehiya sa pagpaplano.

Ang Bangsamoro Director General (BDG) Esmael W. Ebrahim at mga Service Directors na sina Suharto S. Wahab ng Technical and Regulatory Services at Salem C. Demuna ng Operations and Management Services ang nagbigay ng mahahalagang rekomendasyon at payo para sa mga pagpapabuti sa operasyon ng Ministry. Hinikayat ni BDG Ebrahim ang patuloy na pagsusumikap ng bawat dibisyon at pinuri ang ICS para sa mahusay na pangunguna sa naturang aktibidad.

Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni Dir. Demuna ang nalalapit na selebrasyon ng National Shelter Month at ng Asia Pacific Shelter and Settlements Forum (APSSF) 2024, kung saan maraming proyekto ng MHSD ang tampok. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng wastong paggamit ng pondo at mga pisikal na nagawa ng Ministry bilang batayan para sa mga aktibidad sa susunod na taon.

Isa sa mga tampok na ulat ay mula sa ICS, ay ang pagbabahagi ng kabuuang 33 press release at mga artikulong nai-post sa MHSD Facebook Page mula ika-28 ng Hunyo, na nagdala sa kabuuang 117 na posts para sa 2024. Iniulat din ang 13 episodyo ng MHSDelivers Radio Program mula Hulyo hanggang Setyembre, at walong MHSDisseminates posts na nagpalakas ng engagement sa social media. Dagdag dito, ipinakita rin ang dalawang video output mula sa 2nd In-House Updating.

Sa kabila ng kakulangan ng oras, nagsumite pa rin ng mga ulat ang Cash Section at Human Resource Management Section bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Ministry na magtulungan at mas mapapaunlad pa ang kanilang serbisyo. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post UBJP, Iprinoklama  ang mga Lokal na Kandidato sa SGA para sa 2025 Elections
Next post 1,350 Pamilyang Apektado ng Baha sa Mamasapano, MDS, Tumanggap ng Tulong