Office for Other Bangsamoro Communities, Nagsagawa ng Mid-Year Assessment at Technical Writing Workshop sa Kidapawan City
COTABATO CITY (Ika-3 ng Oktubre, 2024) — Isinasagawa ng Office for Other Bangsamoro Communities (OOBC) ang tatlong-araw na Mid-Year Assessment cum Technical Writing Workshop sa Abubakar Farm Mountain Resort na nag-umpisa ngayong araw ika-3 ng Oktubre.
Pinangunahan ni Executive Director Prof. Noron S. Andan at Deputy Executive Director Prof. Shamsuddin L. Taya ang programa na layuning mapahusay ang kakayahan ng mga kawani ng OOBC sa pagsulat ng malinaw, organisado, at maaayos na dokumentasyon.
Isang mahalagang bahagi ng workshop ang pagsasanay sa technical writing, si Ammarah Taug, Resource Speaker mula sa Innovative Learning Management Operations (ILMO) Inc. ang nagpadaloy ng workshop at tinalakay sa training ang mga pangunahing teknikal sa pagsulat, mga panukala, at iba pang dokumentong teknikal.
Ang programang ito ayon sa OOBC ay naglalayong masiguro na maipahayag ng mga grupo ang impormasyon nang tumpak. Ipinapakita ng inisyatibong ito ang kahandaan ng OOBC sa pagpapalakas ng kakayahan ng kanilang mga tauhan para sa mas mahusay na serbisyong maihahatid sa mga komunidad ng Bangsamoro. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)