MSSD, Lumahok sa Unang Bangsamoro Policy Research Forum para sa mas Maayos na Serbisyo

(Litrato mula sa MSSD-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-3 ng Oktubre, 2024) —Lumahok ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) sa kauna-unahang Bangsamoro Development Policy Research Forum noong ika-25 ng Setyembre, na ginanap sa Em Manor Hotel, Cotabato City.

Ang forum ay inorganize ng Bangsamoro Planning and Development Authority (BPDA) sa pakikipagtulungan sa The Asia Foundation at Australian Aid. Nilahukan ito ng mga opisyal mula sa iba’t ibang ministeryo, tanggapan, at ahensya sa loob ng BARMM na naglalayong palakasin ang development policy framework ng rehiyon.

Isa sa mga pangunahing layunin ng forum ay ang tukuyin ang mga prayoridad sa lugar ng pananaliksik na mahalaga sa implementasyon ng Enhanced 12-Point Priority Agenda ng BARMM at ng ikalawang Bangsamoro Development Plan (BDP) para sa taong 2023-2028. Layunin din ng forum na magbigay ng gabay sa mga gumagawa ng desisyon, mga katuwang sa pag-unlad, at iba’t ibang institusyon ng pananaliksik upang magtulungan sa pagbuo ng mga polisiya, habang tinutugunan ang kakulangan sa pondo at kapasidad.

Itinuturing na mahalagang hakbang ang forum na ito tungo sa pagpapalakas ng kakayahan ng Bangsamoro sa larangan ng pananaliksik sa mga polisiya, lalo na sa pag-abot ng pangmatagalang kaunlaran at epektibong pamamahala na batay sa ebidensya.

Nakiisa rin ang MSSD sa exhibit ng mga national government programa tulad ng Sustainable Livelihood Program (SLP) at Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Sa pagtalakay ukol sa sosyo-ekonomikong pag-unlad at pagbabawas ng kahirapan sa BARMM, binigyang-diin ni Chief Jamal M. Ali ng MSSD Planning and Development Division ang patuloy na pagpapabuti sa serbisyo ng MSSD sa paghahatid ng mga serbisyo at programa para sa mga Bangsamoro. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Office for Other Bangsamoro Communities, Nagsagawa ng Mid-Year Assessment at Technical Writing Workshop sa Kidapawan City
Next post UBJP, Iprinoklama  ang mga Lokal na Kandidato sa SGA para sa 2025 Elections