90 Pamilya sa Lanao del Sur, Tumanggap ng Bigas mula sa Project TABANG
COTABATO CITY (Ika-27 ng Setyembre, 2024)— Umabot sa 90 mga benepisyaryo mula sa Marawi City at bayan ng Marantao, Lana del Sur ang nakatanggap ng tig-isang sako ng 25-kilong bigas bilang tulong mula sa Alay sa Bangsamoro (ALAB) Program ng Bangsamoro Government sa pamamagitan ng Project TABANG.
Ang pamamahagi ay isinagawa noong Huwebes, ika-26 ng Setyembre sa ilalim ng pamumuno ni Bangsamoro Transition Authority (BTA) Member of Parliament Diamila Disimban Ramos.
Ang Project TABANG ay isa sa mga pangunahing inisyatibo ng pamahalaan ng Bangsamoro sa pamumuno ni Chief Minister Ahod “Al Haj Murad” Ebrahim, na naglalayong tugunan ang pangangailangan ng mga komunidad sa rehiyon, partikular na ang pagbibigay ng tulong sa pagkain.
Patuloy naman ang panawagan ng mga opisyal ng Bangsamoro para sa pagkakaisa at kooperasyon ng bawat isa sa kanilang pagsusumikap na itaguyod ang kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)