Gob. Sam Macacua ng MDN, pinangunahan ang suporta sa Handog ng Pangulo

(Litrato mula sa Province of Maguindanao del Norte)

COTABATO CITY (Ika-19 ng Setyembre, 2024)— Ang probinsya ng Maguindanao del Norte, sa pamumuno ni Gobernador Abdulraof “Gob Sam” Macacua, ay lumahok sa Convergence Program: Handog ng Pangulo ng Pilipinas na ginanap sa bayan ng Sultan Mastura noong ika-13 ng Setyembre.

Ang nasabing programa ay bahagi ng sabayang pamamahagi ng tulong mula sa gobyerno sa iba’t ibang probinsya sa ilalim ng inisyatiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na naglalayong palakasin at patatagin ang kalagayan ng mga Pilipino.

Ang iba’t ibang ministeryo ng Bangsamoro government ay nagbigay ng mga serbisyo at tulong, kabilang ang libreng pagpaparehistro ng negosyo at counseling na pinangunahan ng Ministry of Trade, Investments, and Tourism (MTIT). Namigay rin ang Ministry of the Interior and Local Government (MILG) ng libu-libong bag sa mga residente, daan-daang sako ng bigas, at iba’t ibang gamot mula sa Office of the Chief Minister sa ilalim ng Project Tabang.

Tumulong din ang Ministry of Labor and Employment (MOLE) sa pagpaparehistro ng mga asosasyon, establisyemento, at kasambahay. Samantala, nagbigay naman ang Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform (MAFAR) ng libreng liquid fertilizers at mga binhi. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post 84 Opisyal ng AMBaG Partner Hospitals, dumaan sa Audit Interview ng IAO-OCM BARMM
Next post HWPL World Peace Summit 2024 Celebrates a Decade of Global Commitment to Peace