84 Opisyal ng AMBaG Partner Hospitals, dumaan sa Audit Interview ng IAO-OCM BARMM

(Litrato mula sa Internal Audit Office of OCM BARMM)

COTABATO CITY (Ika-18 ng Setyembre, 2024) — Ang Internal Audit Office (IAO) ng Office of the Chief Minister ng BARMM ay nagsagawa ng virtual na interview sa 84 Desk Officers (DOs) at Finance Officers (FOs) mula sa mga partner na ospital ng Ayudang Medikal mula sa Bangsamoro Government (AMBaG) noong ika-17 ng Setyembre sa pamamagitan ng Zoom Meeting.

Bahagi ito ng patuloy na internal audit na nakatuon sa paggamit ng pondo, proseso ng liquidation, at ang mga sistema ng impormasyon at komunikasyon ng programang AMBaG. Layunin ng panayam na makuha ang mga mahahalagang kaalaman mula sa mga pangunahing tauhan na direktang kasama sa pagproseso ng tulong medikal at paghahanda ng mga kinakailangang ulat.

Ayon sa Internal Audit Office ay tinutukan nila ang mga DOs at FOs mula sa iba’t ibang partner na ospital upang matiyak ang masusing pagsusuri sa mga kritikal na proseso na ito, bilang bahagi ng kanilang pagsusumikap na mapabuti at mapanatili ang tamang paggamit ng pondo ng AMBaG. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Voters’ Education sa BIAF-MILF at ang kanilang Pamilya, isasagawa ng BMN para sa Proyektong Activate Bangsamoro Phase 4
Next post Gob. Sam Macacua ng MDN, pinangunahan ang suporta sa Handog ng Pangulo