Project TABANG Nakipagtulungan sa UNDP at BDA para sa Pagpapabuti ng Buhay at Pagtataguyod ng Kapayapaan sa BARMM
COTABATO CITY (Ika-17 ng Setyembre, 2024) — Nagbigay ang Project TABANG ng 100 sako ng bigas na 25 kgs. bawat sako, 100 food packs, 100 buto ng mais, at 100 pataba sa ilalim ng Programme on Assistance for Camp Transformation through Inclusion, Violence Prevention, and Economic Empowerment (PROACTIVE). Ang nasabing programa ay pinangunahan ng United Nations Development Programme (UNDP – Philippines) at Bangsamoro Development Agency (BDA), Inc. at isinagawa sa Abobakar Siddique Elementary School, Barangay Tugaig noong ika-15 ng Setyembre.
Ang PROACTIVE, isang collaborative na programa ng UNDP – Philippines at BDA, ay naglalayong tulungan ang pagbuo ng lokal na kapasidad para sa pagsuporta sa anim (6) na kinikilalang kampo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa kanilang transition at transformation patungo sa maayos at produktibong mga komunidad.
Ang pamamahagi ng mga ayuda ay pinangunahan ni Deputy Project Manager Abobaker I. Edris kasama ang Rapid Reaction Team (RRT) ng project management office.
Sa temang “Transforming Lives and Promoting Sustainable Peace,” ang PROACTIVE, sa pamamagitan ng suporta mula sa European Union sa Pilipinas, ay tumutulong sa pag-transform ng mga buhay at sa pagtataguyod ng kapayapaan at katatagan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). (Hasna U. Bacol,BMN/BangsamoroToday)