Groundbreaking Ceremony ng Bagong Gusali ng PENRE Lanao del Sur, Isinagawa sa Kabila ng Masamang Panahon
COTABATO CITY (Ika-6 ng Setyembre, 2024) — Matagumpay na isinagawa ng mga opisyal at empleyado ng Ministry of Environment, Natural Resources, and Energy (MENRE) at ng Provincial ENRE Office ng Lanao del Sur ang groundbreaking ceremony para sa itatayong bagong gusali ng opisina sa Old Capitol Drive, Matampay, Marawi City.
Ito ang kauna-unahang groundbreaking ceremony para sa mga Provincial ENRE Offices sa buong rehiyon. Kamakailan lamang ay nilagdaan ang kontrata sa pagitan ng MENRE at mga kontratista para sa konstruksyon ng mga imprastraktura ng lalawigan.
Ayon kay Minister Akmad A. Brahim na layunin ng kanilang tanggapan na patuloy na pagbutihin ang serbisyo para sa kapaligiran ng Bangsamoro at gawing mas abot-kamay para sa mamamayan.
“One of the ways that we could provide better service to our constituents is through having a new workspace that’s conducive for quality service delivery,” ayon kay Minister Brahim.
Sinabi naman ni Provincial ENRE Officer Asmarie M. Labao ng Lanao del Sur, ang seremonya ay isa na namang mahalagang hakbang tungo sa pagpapatupad ng moral governance sa BARMM.
“Isa itong malaking proyektong handog ng BARMM, na pinapangarap ng lahat. This project is not just an office, but it symbolizes the optimism and dedication of the officials in MENRE,” ani Labao.
Inaasahan din ng Provincial Office na ang magiging bagong gusali ay magsisilbing sentro ng diyalogo para sa kapaligiran at hub para sa inobasyon, kooperasyon, pakikipag-partner, at pagkakaisa para sa sustenableng yaman ng kalikasan.
Dumalo rin sa seremonya upang magbigay ng suporta sina Member of Parliament Abdullah “Bravo” Macapaar, Deputy Minister Muslima A. Asmawil, Bangsamoro Director General for ENR Atty. Badr E. Salendab, Director for Administrative and Finance Services Al-Sharif M. Tamburani, Director for Biodiversity, Ecosystems, Research and Development Services Mohamad Ali R. Dimaren, Chief Planning Officer Jessie S. Ondoy, Chief Administrative Officer Rowaida D. Lalang, at mga miyembro ng Bids and Awards Committee Secretariat na sina Suad Nul at Noraisa Sangki. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)