Access to Higher and Modern Education-Scholarship Program ng MBHTE isinapubliko na ang 5th Cohort para sa AY 2024-2025
COTABATO CITY (Ika-6 ng Setyembre, 2024) — Ipinagmamalaki ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) ang opisyal na listahan ng mga bagong iskolar ng Access to Higher and Modern Education-Scholarship Program (AHME-SP) para sa Academic Year 2024-2025.
Sa dami ng mga kwalipikadong aplikante mula sa iba’t ibang lungsod at probinsya ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), tanging ang top 100 mula sa mga lungsod at top 200 mula sa mga probinsya lamang ang napili bilang mga opisyal na iskolar ng AHME-SP sa rehiyon.
Ang mga piling iskolar na ito ay iniimbitahan upang lumahok sa scholarship contract signing, panunumpa, at orientation na gaganapin sa iba’t ibang lugar sa loob ng BARMM. Narito ang opisyal na listahan ng mga pumasa:
Basilan – bit.ly/4dOdfh2
Cotabato City – bit.ly/47bgQ68
Lamitan City – bit.ly/4gpNdCD
Lanao del Sur – bit.ly/4ge9hQa
Maguindanao – bit.ly/4gelhkI
Marawi City – bit.ly/3Xs5abY
Special Geographic Area – bit.ly/47fnXup
Sulu – bit.ly/3Ti6gEJ
Tawi-Tawi – bit.ly/3z9mol9
Taos pusong binabati ng MBHTE ang mga bagong scholars ngayong taon. Ang scholarships ay hindi lamang pagkilala sa kahusayan sa akademiko kundi isang paraan upang matupad ang mga pangarap ng kabataang Bangsamoro. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)