MP Antao, Namigay ng Ayuda sa Pagtitipon ng Kababaihang Bangsamoro ng SWC-Ligawasan Province

(Litrato mula sa tanggapan ni MP Mohammad Kelie U. Antao)

COTABATO CITY (Ika-5 ng Setyembre, 2024) — Ipinagdiriwang ng Ligawasan Provincial Social Welfare Committee (SWC) ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) on Health and Sanitation ang kanilang 2024 Nutrition Month kasabay ng isang makabuluhang Assembly Orientation para sa mga kababaihang Bangsamoro na ginanap sa Marah’s Function Hall, Brgy. Fort Pikit, Malidegao, SGA.

Sa imbitasyon ng chairperson ng komite, dumalo si MP Mohammad Kelie U. Antao bilang panauhing pandangal. Sa kanyang talumpati, sinabi ni MP Antao ang kanyang pagpapahalaga sa mga kababaihan ng Bangsamoro, partikular sa mga nag-ambag sa pagtatatag ng kasalukuyang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Hinikayat din ni MP Antao ang mga kababaihan na ipagpatuloy ang kanilang aktibong partisipasyon sa iba’t ibang larangan ng pamahalaan at komunidad.

Bilang bahagi ng kanyang pagdalaw, namahagi rin ito ng tig-limang kilong bigas sa bawat kababaihang dumalo, bagay na ikinalugod ng mga kasapi ng organisasyon. Nagpasalamat ang SWC sa kanyang suporta at pakikibahagi sa kanilang programa. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Ceremonial Turnover ng Amnesty Application Forms ng MILF Front Commanders, Isang Mahalaga at Makasaysayang Hakbang Tungo sa Kapayapaan sa Bansa
Next post 309 Indibidwal mula sa Indigent Sectors ng LDS, Tumanggap ng Tulong Pinansyal mula sa MSSD