309 Indibidwal mula sa Indigent Sectors ng LDS, Tumanggap ng Tulong Pinansyal mula sa MSSD
COTABATO CITY (Ika-5 ng Setyembre, 2024) — Tumanggap ng tulong pinansyal ang kabuuang 309 na indibidwal mula sa mahihirap na sektor sa Bacolod-Kalawi, Lanao del Sur, sa pangunguna ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) sa ginanap na payout ng iba’t ibang programa sa social protection noong ika-26 Agosto, sa Lakeside Gymnasium, Barangay Poblacion II, Bacolod-Kalawi.
Sa ilalim ng UNLAD Pamilyang Bangsamoro Program, 145 na benepisyaryo ang tumanggap ng rice subsidy na nagkakahalaga ng PhP3,600, na para sa ikalawang quarter ng 2024.
128 estudyante mula sa sektor ng mga kabataan ang nakatanggap ng educational assistance sa ilalim ng Angat Bangsamoro: Kabataan Tungo sa Karunungan (ABaKa) Program. Kabilang dito, 52 estudyante sa high school ang tumanggap ng PhP3,000 bawat isa, 51 estudyante sa elementarya ang nakatanggap ng PhP2,000 bawat isa, at 25 estudyante sa kolehiyo ang nakatanggap ng PhP10,000 bawat isa.
Sa ilalim ng Dakila Program, 36 na solong magulang ang tumanggap ng PhP6,000 bawat isa bilang bahagi ng kanilang buwanang financial assistance na PhP1,000, na sumasaklaw sa kanilang stipend para sa unang semestre ng 2024.
Samantala, nagsagawa ng sabayang payout ang Ministry of Social Services and Development para sa mga benepisyaryo ng Angat Bangsamoro: Kabataan Tungo sa Karunungan (ABaKa) Program, Bangsamoro Sagip Kabuhayan (BSK) Unlad Pamilya, at Dakila Program noong ika-23 Agosto. sa Diyanaton Naim Gymnasium, Butig, Lanao del Sur.
Tumanggap ng educational assistance ang kabuuang 93 maralitang mag-aaral sa ilalim ng ABaKa Program ng MSSD. Sa mga benepisyaryo, 41 estudyante sa elementarya ang nakatanggap ng PhP2,000 bawat isa, 40 estudyante sa high school ang nakatanggap ng PhP3,000 bawat isa, at 12 estudyante sa kolehiyo ang nakatanggap ng PhP10,000 bawat isa.
Sa ilalim naman ng BSK Unlad Pamilya Program, 81 pamilya ang nakinabang sa rice subsidy na nagkakahalaga ng PhP3,600, na sumasaklaw sa kanilang stipend para sa ikalawang quarter ng taon.
Sa pamamagitan ng Dakila Program, na nagbibigay ng buwanang tulong pinansyal na PHP 1,000 sa mga kwalipikadong solong magulang, 15 solo parents ang tumanggap ng PhP6,000 bawat isa, na sumasaklaw sa kanilang stipend para sa unang semestre ng 2024. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)