MSSD namahagi ng Tulong Pinansyal para sa Edukasyon sa Cotabato City at Ditsaan Ramain, LDS
COTABATO CITY (Ika-2 ng Setyembre, 2024) — Ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) ay nagsagawa ng series of payouts para sa 448 benepisyaryo sa pakikipagtulungan sa Office of Member of the Parliament MP Dr. Kadil “Jojo” M. Sinolinding Jr., sa pamamagitan ng Angat Bangsamoro: Kabataan Tungo sa Karunungan (ABaKa) Program na isinagawa noong ika-26 hanggang ika-30 ng Agosto.
Ang kabuuang bilang ng mga benepisyaryo ay 275 estudyanteng elementarya na ang bawat isa ay nakatanggap ng PhP2,000, habang 173 estudyanteng sekondarya ang binigyan ng PhP3,000 bilang tulong pinansyal sa edukasyon.
Layunin ng inisyatibong ito na magbigay ng suporta sa edukasyon para sa mga batang mahihirap at sa mga pamilyang lubos na nangangailangan upang matugunan ang kanilang mga gastusin sa paaralan.
Nakadalo rin sa series of payouts sina Atty. Zaid Bagundang, Chief of Staff ng Office of MP Sinolinding, kasama ang kanilang mga field officers sa SGA-BARMM, at mga Municipal Social Welfare Officers ng Tugunan at Malidegao.
Samantala, kamakailan ay namahagi din ang MSSD ng simultaneous payouts sa Ditsaan Ramain, Lanao del Sur para sa mga benepisyaryo ng Kalinga para sa may Kapansanan, Multi-Purpose Cash Assistance (MPCA), at Dakila Program sa gymnasium ng Barangay Baclayan Raya noong ika-15 ng Agosto, sa gymnasium ng Barangay Baclayan Raya.
Sa kabuuan, 306 benepisyaryo ng Kalinga para sa may Kapansanan ang nakatanggap ng kanilang stipend para sa unang semestre ng 2024, na nagkakahalaga ng PhP3,000.
Para sa Dakila Program, na nagbibigay ng buwanang tulong pinansyal na PhP1,000 sa mga kwalipikadong solo parents, mahigit 91 solo parents ang tumanggap ng PhP6,000 bawat isa, na sumasaklaw sa kanilang stipend para sa unang semestre ng 2024.
Sa ilalim ng MPCA, isang recovery intervention na ipinatupad ng Disaster Response and Management Division, 88 mga magsasaka na naapektuhan ng tagtuyot ang tumanggap ng cash subsidy na PhP5,800 mula sa MSSD. (Hanadz D. Saban, BMN/BangsamoroToday)