MSSD tuloy-tuloy ang Kalinga para sa may Kapansanan
COTABATO CITY (Ika-30 na Agosto, 2024) —Ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) ay nagsagawa sabay-sabay na pamimigay ng cash assistance sa mga benipesaryo ng Kalinga para sa may Kapansanan, Multi-Purpose Cash Assistance (MPCA), at Dakila Program nitong ika-15 ng Agosto 15, na ginanap sa Barangay Baclayan Raya gymnasium, Lanao del Sur.
Abot 306 Kalinga para sa may Kapansanan benipesaryo ang tumanggap ng stipends para sa unang semestre ng 2024, na PhP3,000 cash.
Para sa Dakila Program, sa mga kwalipikadong solo parents na may buwanang financial assistance na PhP1,000, ay 91 solo parents ang nakatanggap ng PhP6,000 bawat isa para sa unang semestre ng 2024 stipends.
Sa loob naman ng MPCA, para sa recovery intervention na ipinapatupad ng Disaster Response and Management Division, 88 apektado ng tagtuyot na mga magsasaka ang nakatanggap ng PhP5,800 subsidiya mula sa MSSD.
Samanatala, namahagi din ng tulong ang ministry para sa 602 indigent persons with disabilities (PWDs) sa pamamagitan ng kanilang Kalinga para sa may Kapansanan Program, sa bayan ng Wao, Lanao del Sur, mula Agosto 14 hanggang 22.
Ang bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng PhP3,000 na cash, na sumasaklaw sa kanilang buwanang subsidiya na PhP500 para sa unang semestre ng taon.
Sa ilalim ng Kalinga Program, ang mga indigent PWDs ay may karapatan sa buwanang tulong na PhP500 upang matulungan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan.
Ang inisyatibang ito ay naglalayong magbigay ng mahalagang tulong at suporta sa mga PWDs sa komunidad, kinikilala ang hamon na kinakaharap at inuuna ang kanilang kapakanan. (Hanadz D. Saban, BMN/BangsamoroToday)