Gob Sam Macacua Pinasalamatan ang PDRRMO sa Kanilang Pagsisikap para sa mas Matatag na MDN Laban sa Kalamidad
COTABATO CITY (Ika-29 ng Agosto, 2024) — Ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Maguindanao del Norte (MDN) ay nagsagawa ng seremonya ng pagtatapos para sa 27 bagong trained na responders sa Search and Rescue Auxiliary Training (SARAT) sa Provincial Government Satellite Office noong umaga ng ika-27 ng Agosto.
Pinuri ni Gobernador Abdulraof “Gob Sam” Macacua ang PDRRMO sa pangunguna ni Datu Nashrullah Imam para sa kanilang dedikasyon sa pagbibigay ng serbisyong pang-emergency at tulong sa publiko matapos ang isang kalamidad, na nagliligtas ng buhay, nagpapababa ng mga epekto sa kalusugan, nagsisiguro ng kaligtasan ng publiko, at tinutugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan ng Maguindanao del Norte.
“The skills you’ve gained are invaluable, but it is your spirit—your unwavering dedication to serving others—that will make the most significant difference. You carry not just the hopes of our province but also the trust and gratitude of every family in Maguindanao del Norte,” ani ni Gobernador Gob Sam.
Tiniyak ni Gob Sam na patuloy na palalakasin ng pamahalaang panlalawigan ang kapasidad ng kanyang mga kababayan, palalakasin ang plano para sa contingency, at babawasan ang mga panganib para sa isang mas matatag na lalawigan laban sa kalamidad. (Hanadz D. Saban, BMN/BangsamoroToday)