Bangsamoro Human Rights Commission at National Amnesty Commission, Lumagda ng MOA para sa Amnesty Program sa Bangsamoro
COTABATO CITY (Ika-29 ng Agosto,2024) — Matagumpay na nilagdaan ng Bangsamoro Human Rights Commission (BHRC) at National Amnesty Commission (NAC) ang isang Memorandum of Agreement (MOA) para sa amnestiya ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at kasama ang ilang grupo na naniniwalang dahil sa karapatan sa sariling pagpapasya o RSD kaya sila ay lumaban sa gobyerno na ngayon ay may mga kinakaharap kasong politikal.
Ang paglagda ng MOA ay isinagawa sa Kutawato Hall, Em manor Hotel, Cotabato City nitong Ika-28 ng Agosto na isang mahalagang pakikipagtulungan ng pamahalaan na layong masiguro ang maayos na pagpapatupad ng amnesty sa mga Bangsamoro na may mga kinakaharap na kaso.
Ang kasunduan ay upang mapatibay ang parehong institusyon na matiyak ang mga aplikasyon para sa amnesty ay magiging patas at makatarungan. Kasama dito ang pangako ng mga ahensya na magtulungan para sa kapakanan ng mamamayan na apektado ng kaguluhan sa rehiyon.
“Siguro maraming nagtatanong bakit kailangan ng partnership ni BHRC and National Amnesty Commission, We are not doing this because of our respective agencies but we are doing this because of our people, the amnesty is very important in the peace process because now nagkakaroon ng trust issue ang mga kababayan namin,” pahayag ni Atty. Abdul Rashid P. Kalim, BHRC Chairperson.
Dagdag pa niya, “Nagkaroon ng ideya ang Bangsamoro Human Rights Commission na ibahagi ang aming kaalaman tungkol sa amnesty. Bagaman hindi man natin naabot ang buong komunidad ng Bangsamoro, isang malaking bahagi nito ay naabot namin. Hindi diyan nagtatapos ang aming commitment hangga’t nangangailangan pa ang aming kapwa Bangsamoro ng tulong ng aming commission, magpapatuloy kaming maglingkod.”
Samantala, nagbigay din ng mensahe si NAC Chairperson Atty. Leah C. Tanodra-Armamento, ayon sa kanya bagaman limitado ang kanilang mga resources, tiniyak niya na makapagbibigay sila ng epektibong serbisyo sa mga benepisyaryo ng amnesty, partikular na ang mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) at Moro Islamic Liberation Front.
Aniya, “We have assured you that we will be delivering a very effective service to the beneficiaries of our amnesty, especially for our Moro National Liberation Front and Moro Islamic Liberation Front. I’m sure this partnership will go a long way for many Filipinos covered by these proclamations, especially our Moro population. We will surely enjoy the fruits of this MOA, the amnesty process, grants, and beneficiaries. Surely we will achieve a more peaceful community.”
Sa Press Conference, sinabi ni Atty. Tanodra-Armamento na ng laman ng MOA ay napaka generic, bagamat napag-usapan ng kanilang tanggapan sa BHRC kung ano ang konsepto ng amnesty na dapat malaman ng publiko, kabilang dito ang mga karapatan ng mga makikinabang ng amnestiya.
“We have been discussing that they are aware that they are members of the MILF who are under detention, are those who have a warrant of arrest, and the national amnesty commission can work with the BHRC on this matter because we can facilitate those who are in detention for their application for amnesty and eventually for their freedom,” pahayag sa media ng NAC Chairperson.
“The same manner with those who have cases, we can Fast Track the manner of their application so that the legal impediment will be removed,” dagdag pa nito. Sinabi din ni Atty. Tanodra-Armamento na may proposal din ang Chairperson ng BHRC na magsagawa sila ng workshop para sa mga karagdagan kinakailangang gawin para sa amnestiya.
Mula noong ika-16 ng Agosto, ayon sa Chairperson ng National Amnesty Commission, ay may 770 na aplikante na para sa amnestiya, “That is broken down to 35 MILF, 47 for MNLF, 686 for the former rebels of the CPP/NPA/NDF and 2 for RPMP-RPA-ABB.” Makikipagpulong din ang grupo ni Atty. Tanodra-Armamento sa mga susunod araw sa tanggapan ni MP Atty. Mary Ann M. Arnado para sa detalye at pag-usad ng amnestiya para sa MILF.
Sa pagtatapos ng seremonya, binigyang-diin ng mga tagapagsalita na ang kasunduang ito ay magsisilbing pundasyon ng kanilang mga pagsisikap upang isulong ang katarungan, pagkakasundo, at kapayapaan sa rehiyon.
Inaasahan din na ang nasabing pakikipagtulungan ay magdudulot ng mas matatag na kapayapaan sa rehiyon at magbibigay-daan sa mas maliwanag na kinabukasan para sa mamamayan ng Bangsamoro. (Hasna U. Bacol, Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)