Indigenous Peoples sa BARMM lumahok sa pagsasanay sa Pagpapanatili ng Kapayapaan
COTABATO CITY (Ika-26 ng Agosto, 2024) — Matagumpay na naisagawa ang 2 araw na pagsasanay ng Ministry of Indigenous Peoples’ Affairs (MIPA) sa pamamagitan ng Special Public Assistance and Legal Aid Division (SPALAD) para sa mga Katutubo na may temang ” Empowering Indigenous People as Peacekeeping Force and Responder “na ginanap sa Microtel, General Santos City noong ika-24 hanggang ika-25 ng Agosto.
Natutunan ng mga partisipante ang tamang paraan upang maiwasan ang sakuna at posibleng mga panganib pati narin ang pagsasagawa ng first aid at basic life support kabilang ang wastong pagtugon sa mga mga kaso ng hirap sa paghinga dahil sa nabulunan at kasama ang practical exercise.
Bukod dito, napalalim din ang kanilang kaalaman tungkol sa mga karapatan ng mga IPs alinsunod sa RA 11054 o Bangsamoro Organic Law (BOL), ang 4 Bundles of Rights sa ilalim ng RA 8371 o Indigenous Peoples’ Rights Act (IPRA), ang Chainsaw Act of 2002, at ang Revised Forestry Code.
Ang pagsasanay na ito ay isinagawa upang palakasin ang kakayahan ng Indigenous Peoples Peacekeeping Force and Responder sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng sapat na kaalaman at kasanayan.
Ayon sa MIPA, layunin nito na mapanatili at mapalakas ang kapayapaan at kaayusan sa kanilang lugar, gayundin ang masigurong ligtas ang bawat miyembro ng kanilang komunidad, lalo na sa panahon ng mga emergency. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)