PLGU ng MDN Namahagi ng “Bigas Handog ni Gob Sam” para sa mga dating MILF Combatants at Residente sa Lalawigan

(Litrato mula sa Office of the Provincial Administrator –
Maguindanao Del Norte)

COTABATO CITY (Ika-23 ng Agosto, 2024) – Sa programa ni Governor Abdulraof “Gob Sam” Macacua na “Bigas Handog ni Gob Sam” at sa pangunguna ni Provincial Administrator Tomanda D. Antok, PhD., ay namahagi ang Maguindanao del Norte ng programang 4,000 sako ng bigas, na tig-25 kilo bawat sako sa mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na isinagawa noong Martes, ika-20 ng Agosto, sa lalawigan ng Maguindanao del Norte.

Ayon kay Antok, “Ang programang ‘Bigas Handog ni Gob Sam ay naglalayong matulungan ang dalawang pangunahing grupo ng beneficiaries. Ang unang grupo ay ang mga former combatants ng MILF mula sa labing-dalawang munisipiyo sa Maguindanao del Norte. Ang pangalawang grupo ay ang mga constituents ng mga nasabing munisipiyo, kabilang ang Matanog, Barira, Buldon, Parang, Sultan Mastura, Sultan Kudarat, Northern Kabuntalan, Mother Kabuntalan, Talitay, Datu Odin Sinsuat, Datu Blah Sinsuat, at Upi.”

Dagdag pa niya, “Ang prinsipyo ni Gob ay walang maiiwan sa bawat sector. Pantay-pantay ang tulong na ibinibigay, at ang mga former combatants at mga mahihirap na sektor na walang trabaho o sustainable livelihood program ang prioridad.”

Ayon kay Antok, bagaman maliit ang ayuda para sa mga former combatants, ito ay nagmula naman sa malasakit ng Gobernador. Ang layunin ng programang ito ay hindi lamang matugunan ang agarang pangangailangan sa pagkain kundi makatulong din sa kanilang pagbangon at pagtulong sa pagtataguyod ng kapayapaan sa rehiyon. Bahagi din ito ng pagsusumikap ng gobyerno na magbigay ng agarang tulong at suporta sa mga nangangailangan. (Sahara A. Saban, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MOST ng Bangsamoro, Lumahok sa 17th Philippine National Health Research System
Next post MOST Nanguna sa Teknolohiya Fora Caravan sa Probinsya ng Sulu