MOST ng Bangsamoro, Lumahok sa 17th Philippine National Health Research System

(Litrato mula sa MOST-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-22 ng Agosto, 2024)— Ang Ministry of Science and Technology (MOST) ng Bangsamoro Government sa pamamagitan ng Research, Development and Innovation Division (RDID) at ng Bangsamoro Health Research and Development Consortium (BHRDC) ay nakibahagi sa 17th Philippine National Health Research System (PNHRS) na ginanap sa Almont Inland Resort, Butuan City noong ika-13 hanggang ika-16 ng Agosto.

Ang aktibidad ay naglalayong ipakita ang kahalagahan ng pagsasama-sama ng lokal, pambansa at  puwersa sa pagtugon sa mga hamon pang kalusugan at mapabilis ang mga inobasyon sa larangan ng pananaliksik sa kalusugan at medisina. 

Lumahok sa aktibidad ang mga officials ng MOST-RDID na sina Engr. Jandatu Salik, RDID Chief Science Research Specialist, Engr. Benbellah-Ali Dandamun, BHRDC Regional Coordinator, Dr. Fema Abamo, BHRDC Research Management Committee Chair, Lilian Macadupang, BHRDC Ethics Review Committee Chair, Asief Konsuan, Kinatawan ng MOH, Shahida Suhod, BHRDC Project Assistant V, Amira Salik, BHRDC Project Assistant V.

Ang apat na araw na pagtitipon ay kinatatampukan ng iba’t ibang aktibidad tulad ng paligsahan ng mga policymakers, research poster, training of trainers, capacity building, consortium poster competition, paglulunsad ng mga aktibidad, pagbubukas ng mga eksibit, press conference, at marami pang iba. 

Partikular na lumahok ang MOST at BHRDC sa Rampa Kultura, kung saan sila ay nagwagi bilang 3rd runner-up mula sa 12 kalahok  sa iba’t ibang panig ng bansa, gayundin sa Consortium Poster Competition.

Tinitiyak ng MOST na ang kanilang mga kawani ay aktibong nakikibahagi sa mga inisyatiba ng pananaliksik at pag-unlad upang higit pang mapahusay ang kanilang kakayahan, na naglalayong palakasin ang pag-unlad ng R&D sa rehiyon, lalo na sa larangan ng kalusugan. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MBHTE Namahagi ng mga Kagamitang Pang-Edukasyon sa Sulu at Cotabato City
Next post PLGU ng MDN Namahagi ng “Bigas Handog ni Gob Sam” para sa mga dating MILF Combatants at Residente sa Lalawigan