MBHTE Namahagi ng mga Kagamitang Pang-Edukasyon sa Sulu at Cotabato City
COTABATO CITY (Ika-22 ng Agosto, 2024)—Ang Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) ay matagumpay na naipamahagi ang mga kagamitan para sa mga guro at mag-aaral tulad ng mga manipulative toys, flashcards, educational charts, at mga aklat pambata sa iba’t ibang paaralan sa Maimbung District at Patikul West District ng Sulu Division. Ang distribusyong ito ay isinagawa nitong buwan ng Agosto bilang bahagi ng Project Improve Quality Education in the Bangsamoro.
Kabilang sa mga nakatanggap ng mga kagamitan ang paaralan ng Lapa Elementary School, Lower Tambaking Primary School, Batu-Ugis Elementary School, Bualoh Lipid Elementary School, Patao Primary School, Bulalo Kanjal Primary School, Datag Limbon Primary School, Matatal Elementary School, Tandu Patung Elementary School, Lagasan Asibih Elementary School, Langtad Elementary School, Ipil Elementary School, Tuup Elementary School, Datu Uddin Bahjin Central Elementary School, Liang Elementary School, Igasan Elementary School, Tanum Elementary School, Bunbun Elementary School, Tandu Dagmay Elementary School, Usaw Primary School, Gandasuli Elementary School, Kan Ague Elementary School, at Kansulutan Elementary.
Samantala, bilang bahagi naman ng Improve Quality Education in the Bangsamoro Land (IQBAL), ang Ministry’s Property and Supply Section ay naghatid nitong ika-9 ng Agosto ng mga dinisenyong MBHTE armchairs sa mga paaralan ng Cotabato City Division, kabilang ang Vilo Central Elementary School, J. Marquez Elementary School, Rojas Central Elementary School, Notre Dame Village Central Elementary School, Notre Dame Village National High School, CCNHS ANNEX LR. Sebastian Site, at Canizares NHS School of Arts and Trades.
Layunin ng proyektong ito na mapataas ang kalidad ng edukasyon sa Bangsamoro region. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)