25 Trainees Dumalo sa Training Induction Program Driving NC-II sa Tawi-Tawi
COTABATO CITY (Ika-20 ng Agosto, 2024)—Dumalo sa Training Induction Program (TIP) ang 25 Trainees ng Driving NC-II sa ilalim ng Special Training for Employment Program (STEP) na ginanap sa sa Tawi-tawi Provincial Training Center noong ika-15 ng Agosto, 2024.
Ayon sa Technical Education and Skills Development (TESD) ng MBHTE, layunin ng programa ang magbigay ng komprensibong gabay para sa mga trainees hinggil sa Driving NC-II o pagmamaneho, tamang pangangalaga sa mga sasakyan, at mga benepisyong pagkakaroon ng sertipikasyon sa nasabing kurso.
Ang training sa MPW Motor pool, Tubiqboh, Bongao, Tawi-tawi, kung saan ang mga trainees ay magkakaroon ng pagkakataong matutunan at maisagawa nang aktwal ang mga kasanayan na kailangan sa pagmamaneho.
Sa pamamagitan ng hands-on training, inaasahang mas mapapalalim ang kanilang kaalaman at kakayahan sa larangan ng pagmamaneho.
Samantala, pinangunahan nina Center Administrator Elmin H. Arsad at Vocational Instruction Supervisor Abdurasad P. Munabirul Jr. ang programa. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)