Gob Sam Macacua sa ika-77th founding anniversary ng Parang, Maguindanao del Norte, Tiniyak ang commitment ng suporta sa Bayan

(Litrato mula sa Provincial Government of Maguindanao del Norte Facebook Page)

COTABATO CITY (Ika-19 ng Agosto, 2024) — Tiniyak ni Governor Abdulraof “Gob Sam” A. Macacua ang suporta nito para sa kaunlaran sa bayan ng Parang, Maguindanao del Norte na sentro ng kanyang mensahe sa ika-77th founding anniversary ng bayan nitong araw ng Linggo, ika-18 ng Agosto.

“I stand with you today as governor of Maguindanao del Norte and as a friend who holds the progress of Parang in the highest regard,” sabi ni Gobernador Macacua.

Hindi man siya nakatira sa bayan ngunit ngunit tiniyak nitong isang espesyal na lugar sa kanyang puso ang Parang kaya’t dumalo ito sa pagtitipon upang itaguyod ang sama-samang adhikain.

He further commended the unparalleled dedication of the Parangueños that has brought growth and prosperity amid challenges, a testament to the immense resilience ingrained in their being.


Pinuri pa niya ang walang katulad na dedikasyon ng mga Parangueño na nagbunga ng pag-unlad at kaunlaran sa gitna ng mga hamon, isang patunay ng katatagan ng mamamayan ng Parang.

“Today as we celebrate the 77th founding anniversary of the Municipality of Parang, we are not just witnessing the fulfillment of dreams, we are celebrating the realizations of those dreams through hard work, discipline, and determination. These are the very qualities that brought us to where we are today. Ito po ang mga dahilan kung bakit ganito ang Parang ngayon,” dagdag pa ni Gob Sam.

Anya, sa loob ng mahigit pitong dekada, hindi mabilang na hamon ang hinarap at nalampasan ng Parang. “Bawat pagsubok has only strengthened us, bringing us together closer as a community. The growth and development we see today, are the fruits of our unity and perseverance,” ayon sa kanya.

Pinuri rin ng Gobernador si Mayor Cahar Ibay, mga pinuno, mga empleyado ng munisipyo, at ang tungkulin ng mga Parangueño na nagdala ng positibong pagbabago sa kinatatayuan ngayon ng munisipyo.

“A significant part of this progress owed to Mayor Ibay’s leadership, the dedication of local leaders, and the resilient Parangueño’s steadfast support,” wika nito.

Sa pagdiriwang, nakilahok din si Gobernador Macacua sa pag’ unveil ng bagong gawang municipal hall ng Parang.

Ang tema sa pagdiriwang ng bayan ay “IBAYong Pag-unlad: Bunga ng Matatag na Pamamahala na may Paninindigan at Malasakit sa Nagkakaisang Parangueños sa Bayan ng Parang MagandaNOW”.

Ang paggunita na ito ay isang udyok para sa mga Parangueños na ipagdiwang at kilalanin ang kanilang mayamang pamana sa kultura at umasa sa hinaharap na puno ng pag-asa, pag-unlad, at pagkakaisa.(Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MSSD helps drought-affected in Lanao del Sur, fire-affected family in Cotabato City
Next post Chief Minister Ebrahim, Pinangunahan ang TABANG Bangsamoro Convergence Activity sa Lanao del Sur