Chief Minister Ebrahim, Pinangunahan ang TABANG Bangsamoro Convergence Activity sa Lanao del Sur

(Litrato mula saTulong Alay sa Bangsamorong Nangangailangan Facebook Page)

COTABATO CITY (Ika-19 ng Agosto,2024) — Isinagawa ng Bangsamoro Government sa pangunguna ni Chief Minister Ahod ” Alhaj Murad” Ebrahim sa pamamagitan ng TABANG Bangsamoro Convergence Activity, ang aktibidad na bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na ilapit ang serbisyo ng gobyerno sa mga residente upang mapalakas ang kaayusan, kapayapaan, at pag-unlad sa rehiyon, na isinagawa sa Camp Bilal, Sitio Kora-Kora, Barangay Tamparan noong ika-17 ng Agosto.

Sa ilalim ng pamumuno ni Assistant Senior Minister at Project Manager Abdullah M. Cusain, naipamahagi ng Project TABANG ang 5,000 sako ng bigas na na may timbang na 25 kilo bawat sako, kasabay nito ang isang medical outreach program. Ang mga naturang tulong ay ipinamahagi sa mga residente mula sa iba’t ibang bayan ng Lanao del Norte, kabilang ang bayan ng Munai.

(Litrato mula saTulong Alay sa Bangsamorong Nangangailangan Facebook Page)

Kasama ng Project TABANG ang ibat-ibang ahensya at opisina ng Bangsamoro Government upang maghatid ng kanilang mga serbisyo. Ang Ministry of Health (MOH) ay nagkaloob namn ng libreng medikal konsultasyon, tuli, at gamot para sa 3,874 na benepisyaryo. Bukod pa dito ang 2,000 ng mixed vegetable seeds, 400 corn seeds at 400 fertilizers ng Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform (MAFAR) ang naipamahagi sa mga magsasaka bilang livelihood component ng proyekto.

Pinamahalaan naman ni Deputy Project Manager Abobaker I. Edris ang mga paghahanda para sa convergence activity, katuwang ang Rapid Reaction Team (RRT) at iba’t ibang yunit ng project management office ng Project TABANG. Kabilang din sa programa sina Deputy Chief Minister Ali Solaiman, MP Abdullah “Commander Bravo” Macapaar, ang iba pang miyembro ng Bangsamoro Parliament na residente ng Lanao area. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Gob Sam Macacua sa ika-77th founding anniversary ng Parang, Maguindanao del Norte, Tiniyak ang commitment ng suporta sa Bayan
Next post Mahusay na Pamamahala ng Basura sa Lungsod ng Cotabato at Marawi, Inaasahan sa Pamamagitan ng ‘Enviro-Trashers’