Ika-75 Anibersaryo ng IHL, Ginunita sa Bangsamoro

Sina Nor Ayn A. Makakena, Engagement Coordinator mula sa Geneva Call na at si Noraida C. Abo, Executive Director ng United Youth of the Philippines-Women (UnYPhil-Women) ang nagbigay ng kaalaman tungkol sa International Humanitarian Law. (Litrato ni Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

COTABATO CITY (Ika-12 ng Agosto, 2024) — Sa ginanap na Talk-show Program ngayong araw sa Bangsamoro Multimedia Network (BMN) Inc. na napakinggan din sa Voice FM Cotabato at Cool Fm Marawi bilang paggunita sa ika-75 anibersaryo ng International Humanitarian Law (IHL) sa pangunguna ng Friends of International Humanitarian Law (FIHL)-Philippines at sa supprta ng Geneva Call, ay tinalakay ang kahalagahan ng IHL sa kasalukuyan, lalo na sa mga lugar na apektado ng gulo.

Sa nasabing programa, ang panauhin ay si Nor Ayn A. Makakena, Engagement Coordinator mula sa Geneva Call at si Noraida C. Abo, Executive Director ng United Youth of the Philippines-Women (UnYPhil-Women) ang nagbigay ng kaalaman tungkol sa International Humanitarian Law at ang kanilang mga trabaho para sa karapantang pantao.

Binigyang-diin ni Makakena ang ikalawang Geneva Convention na nagbibigay proteksyon sa mga sugatan at may sakit. Sa kasalukuyan, ang tema ng ika-75 taong anibersaryo ng IHL ay “Kamalayan, Kalinga, Kapayapaan, Kaunlaran: Kalakasan ng IHL sa Bagong Pilipinas” na naglalayong palakasin ang kamalayan tungkol sa mga batas na ito.

Ayon kay Abo, ang UnYPhil-Women ay matagal nang tumutulong sa mga komunidad na apektado ng digmaan.

“Mahirap at nakakatakot minsang maging bahagi ng IHL work dahil sa panganib na dala ng sigalot. Ngunit sa kabila nito, patuloy kaming nagbibigay ng kaalaman sa mga tao tungkol sa kanilang mga karapatan at kung ano ang dapat nilang gawin sa panahon ng kaguluhan,” ani Abo.

Isa pang mahalagang bahagi ng diskusyon ay ang pagtaguyod ng FIHL, isang inisyatibo na inilunsad ng isang taon na ang nakalipas sa Pilipinas. Layunin nitong itaguyod ang mga prinsipyo ng IHL hindi lamang sa hanay ng civil society kundi sa mas malawak na publiko.

“Hindi lang basta alam natin kung ano ang batas, dapat alam din natin kung paano ito gamitin upang protektahan ang ating mga komunidad. Ang kaalaman tungkol sa IHL ay mahalaga pa rin hanggang ngayon, lalo na sa mga lugar na madalas magkaroon ng kaguluhan,” wika naman ni Makakena.

Nagbigay naman ito ng panawagan na bigyang proteksyon ang mga bata, lalo na sa edukasyon, sa kabila ng mga kaguluhan. Ayon sa kanya, “Dapat hindi matakot ang mga bata na pumasok sa paaralan kahit may armed conflict, dahil mahalaga ang kanilang kaligtasan at karapatang mag-aral.”

Sa pagtatapos ng programa, hinikayat ni Abo ang patuloy na pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa IHL.

“Mahalagang patuloy tayong magbahagi ng impormasyon tungkol sa IHL, hindi lang para sa atin kundi para rin sa kapakanan ng ating mga komunidad,” anya pa.

Ang IHL ay nananatiling isang mahalagang bahagi ng ating lipunan na nagbibigay proteksyon sa mga nasa gitna ng kaguluhan na naagsilbing gabay sa mga kaguluhan upang matiyak ang karapatan at kaligtasan ng bawat isa. (Hasna U. Bacol, Sahara A. Saban, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post 10th Anniversary of the HWPL World Peace Summit scheduled on Sept. 18 at Seoul
Next post MENRE, Lumahok sa Mindanao River Basin Stakeholder’s Forum at Preliminary Workshop