MOLE-BARMM Nagbigay ng PhP20K Tulong at Livelihood Training sa 59 Returning OBWs
COTABATO CITY (Ika-10 ng Agosto, 2024) – Ang Ministry of Labor and Employment (MOLE) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay namahagi ng livelihood assistance sa 59 returning Overseas Bangsamoro Workers (OBWs). Ang seremonya ay ginanap ngayong araw ng Biyernes, ika-9 ng Agosto, sa Bangsamoro Government Center, Cotabato City.
Ang Ministry ng Overseas Workers Welfare Bureau (OWWB) ng MOLE ay may Reintegration Program para sa Balik Bangsamoro Hanap Trabaho na naglalayong suportahan ang mga benepisyaryo ng OBWs. Bawat benepisyaryo ay tumanggap ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng PHP 20,000.
Ang mga benepisyaryo ay mula sa iba’t ibang lugar, labing-tatlo (13) mula sa Maguindanao, labing-dalawa (12) mula sa Cotabato City, siyam (9) mula sa Special Geographic Area, at lima (5) mula sa Lanao del Sur.
Maliban sa tulong pinansyal, nagsagawa rin ng livelihood training ang OWWB-MOLE upang matulungan ang mga benepisyaryo kung paano magamit ng wasto ang kanilang kapital at mapataas ang kanilang productivity.
Ang programa ay pinangunahan ni Bangsamoro Director General Datu Surab A. Abutazil, Jr., kasama sina PEADD-OWWB Chief Mohiddin Usman, WPD-OWWB Chief Abdulatip Pinguiaman, RAD-OWWB Chief Arthur Dalid, Jr., OIC Head of MOLE MFO Saddam Salendab, at iba pang opisyal ng MOLE. (Sahara A. Saban, BMN/BangsamoroToday)