Ceremonial Turnover ng Lobster Aquaculture Facility sa Sulu, Pinangunahan ng MAFAR at BDA
COTABATO CITY (Ika-9 ng Agosto, 2024) —Ang Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform (MAFAR) ay aktibong nakilahok sa seremonyal turnover ng Lobster Aquaculture Facility na proyekto ng Bangsamoro Development Agency (BDA Inc.) sa Sitio Kud Kalang, Barangay Sucuban Omar, Sulu, noong ika-7 ng Agosto.
Ang proyekto ay bahagi ng implementasyon ng “Building Resilient Livelihoods and Communities through Climate-Smart Aquaculture Value Chain in Tawi-Tawi and Sulu Archipelago,” isang bunga ng matagumpay na pakikipagtulungan ng iba’t ibang ahensya tulad ng MAFAR, Mindanao State University-Sulu, at iba pang mga ahensya, sa pangunguna ng BDA Inc.
Kasama sa mga benepisyo para sa mga tatanggap ng proyekto ang pamimigay ng motorized banca, freezer, at solar-powered electricity. Inaasahan na ito ay magbibigay ng kontribusyon sa paglago ng lokal na ekonomiya at magsisilbing learning site para sa mga estudyante at mananaliksik.
Sa nasabing seremonya, nagpahayag ng suporta ang lokal na pamahalaan ng Omar sa at si Mayor Abdulbaki J. Ajibon, sa lahat ng mga ahensya na kasama sa proyekto. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagpapanatili ng proyekto, lalo na para sa mga benepisyaryo, at inirekomenda ang maingat na pagmo-monitor upang masiguro ang patuloy na tagumpay nito. Layunin ng proyekto na mapabuti ang pang-ekonomiyang kalagayan ng komunidad.
Samantala, nagkaroon din ng consultative meeting na inorganisa ng implementing agency na pinangunahan ni BDA Executive Director Rhadzni M. Taalim, MDM, kasama sina MAFAR Provincial Director na kinatawan ni Chief Agriculturist Jun M. Ammak, MSU Sulu Chancellor na kinatawan ni Hannbal Bara, Ph.D, at iba pang mga kaugnay na ahensya, upang matiyak ang pagpapanatili at pagpapaunlad ng proyekto. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)