Agarang Tulong sa Outside Bangsamoro Community, pinag-usapan sa pagpupulong ng Project TABANG
COTABATO CITY (Ika-9 ng Agosto, 2024) —Pinangunahan ni Deputy Project Manager Abobaker I. Edris ng Project TABANG at Office for Other Bangsamoro Communities (OOBC) Executive Director Noron Andan, ang isinagawang meeting ng Project Management Office (PMO).
Ipinakita nila kay Member of the Bangsamoro Transition Authority (BTA) Parliament Abdullah G. Macapaar, Lanao del Norte Provincial Vice Governor Allan Lim, at Munai Municipal Mayor Racma Andamama ang mga layunin, hangarin, at paghahanda para sa nalalapit na TABANG Bangsamoro Convergence Activity.
Ang nasabing aktibidad ay magtipon-tipon ang iba’t ibang ministeryo, ahensya, at tanggapan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para magbigay ng agarang tulong sa mga Bangsamoro na nasa labas ng core territory ng rehiyon, partikular sa munisipalidad ng Munai at mga kalapit na lugar sa Lanao del Norte.
Dumalo rin sa pagpupulong ang mga unit heads ng PMO na sina Mohammad Asnur K. Pendatun ng Livelihood Unit, Norodin K. Donton ng Monitoring and Evaluation Unit, at Hadji Harris M. Ismael ng Media Productions and Communications Unit, kasama ang Provincial Coordinating Team at Rapid Reaction Team (RRT).
Ayon pa sa Project TABANG, ang pagtutulungan sa pagitan ng Provincial Local Government Unit (PLGU) ng Lanao del Norte at ng Bangsamoro Government ay napakahalaga upang maisakatuparan ang mga layunin ng Proyektong TABANG Bangsamoro para sa kapakanan ng mga Bangsamoro sa lugar. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)