PASAD Program ni MP Antao, Matagumpay na Nagsilbing Tulay sa Pag-aayos ng alitang Melicano-Dalandang

(Litrato mula sa tanggapan ni MP Mohammad Kelie. U. Antao)

COTABATO CITY (Ika-5 ng Agusto, 2024) — Aktibong nakilahok ang tanggapan ni MP Mohammad Kelie U. Antao bilang isa sa mga pangunahing mediators at sponsor ng Rido Settlement and Conflict Resolution sa pagitan nina Guiama Melicano at Datu Nasser Dalandang.

Ang pagkakasundo ng dalawang panig ay isinagawa sa Compound ng 34th Infantry Battalion (IB) sa Salunayan, Midsayap, Cotabato noong ika-3 ng Agosto.

Sangkot sa kaguluhan ang dalawang grupo na naganap sa anim (6) na barangay kabilang ang bayan ng Kadayangan, Nabalawag, Midsayap, at Datu Piang noong ika-22 at 24 ng Hulyo, 2024. Ang kaguluhan ay nagresulta ng pagkasawi ng ilang indibidwal at nagdulot ng paglikas sa halos dalawang libong pamilya.

Matagumpay na napigilan ang magkabilang grupo upang mahinto ang kaguluhan sa tulong ng iba’t ibang ahensya at lumagda sa kasunduan. Ang kasunduan ay nagsasaad ng kanilang pag sang-ayon na itigil ang kanilang alitan na nagiging banta sa kaligtasan ng mga mamamayan na apektadong lugar.

Ang PASAD program ni MP Antao ay patuloy na nakipag-ugnayan sa mga opisyales upang manatili ang katahimikan sa mga Lugar na sakop ng walo (8) bagong tatag na mga LGU sa Special Geographic Area (SGA). (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MBHTE, Nagsagawa ng Groundbreaking ceremony para sa PhP75.9M na Gusali ng Paaralan at Training Center sa BARMM
Next post MSSD Nagsagawa ng Pagsusuri sa Kalagayan ng mga IDPs sa Matanog, Maguindanao del Norte