MBHTE, Nagsagawa ng Groundbreaking ceremony para sa PhP75.9M na Gusali ng Paaralan at Training Center sa BARMM

(Litrato mula sa MBHTE-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-5 ng Agusto, 2024) —Nagsagawa ng groundbreaking ceremony ang Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) na nagkakahalaga sa PhP75,894,290.24 para sa pagpapatayo ng bagong gusali ng paaralan at isang training center sa school divisions ng Maguindanao del Sur, Special Geographic Area (SGA), Sulu, at Tawi-Tawi.

Ito ay isa sa mga proyekto na pinondohan sa ilalim ng 2023 Quick Response Fund (QRF), Ang 2-storey na may 10 silid-aralan sa Tawi-Tawi School of Fisheries sa Poblacion, Bongao, Tawi-Tawi, na may nakatalagang pondo na PhP26,139,459.85. Bukod pa rito may 2-storey building na may 4 na silid-aralan na nagkakahalaga ng PhP9,915,519.56 na itatayo sa Binasing Elementary School sa Pigcawayan, North Cotabato.

Bilang pagsuporta sa edukasyong Islamiko, may 2-storey building na may apat na silid-aralan para sa Public Madrasah na pinondohan sa ilalim ng 2021 Special Development Fund (SDF) na nagkakahalaga ng PhP7,500,000 na itatayo sa Brgy. Kayaga, Pandag, Maguindanao del Sur.

Sa ilalim ng 2022 SDF, isang provincial training center na nagkakahalaga ng PhP32,339,310.83 ay itatayo naman sa Brgy. Timbangan, Indanan, Sulu. Ang sentrong ito ay mag-aalok ng iba’t ibang mga programa ng bokasyonal na pagsasanay na naglalayong mapahusay ang kakayahan at empleabilidad ng mga trainee. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post OOBC Tinalakay ang Karapatan ng mga Bangsamoro sa Labas ng BARMM sa BMN Live Talkshow
Next post PASAD Program ni MP Antao, Matagumpay na Nagsilbing Tulay sa Pag-aayos ng alitang Melicano-Dalandang