MIPA-BARMM Nakibahagi sa Tabang Bangsamoro Convergence Activity sa Sulu

(Litrato mula sa MIPA-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-31 ng Hulyo, 2024) — Ang Ministry of Indigenous Peoples Affairs (MIPA) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay nakibahagi sa Tabang Bangsamoro Convergence Activity na namhagi ng tig-10 kilong bigas ang 300 benepisyaryo mula sa iba’t ibang barangay ng Jolo, Sulu noong ika-28 ng Hulyo.

Ang delegasyon ng MIPA ay pinangunahan ni Deputy Minister Suadi Campong Pagayao at Michael M. Garrigues, Director of Bureau on Ancestral Domain. Bukod sa pamamahagi ng bigas, nakolekta rin ng MIPA ang mga aplikasyon para sa Tribal Membership mula sa mga lokal na IP.

Ang convergence activity ay isang sama-samang pagsisikap ng Government of the day kasama ang iba pang mga ministeryo at tanggapan, na nagbigay ng iba’t ibang serbisyo tulad ng medikal, mga gamit sa paaralan, laruan para sa mga bata, at marami pang iba.

Binigyang-diin ni Chief Minister Ahod “Alhaj Murad” Ebrahim ang matagumpay na naabot ng kaganapan na layuning direktang mapuntahan ng Bangsamoro government ang mamamayan nito para makapamigay ng tulong. (Sahara A. Saban, BMN/BangsamoroToday).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post 900 Iskolars nagtapos sa ilalim ng Bangsamoro Scholarship Program sa Sulu
Next post 336 Pamilya na Apektado ng Armadong Labanan sa MDN at Mahigit 1,000 Pamilya na Apektado ng Baha sa BARMM, Nakatanggap ng Tulong