OJT Students ng BMN, Nakiisa sa Brigada Eskwela ng J. Marquez National High School
COTABATO CITY (Ika-23 ng Hulyo, 2024) — Nakiisa ang On-Job-Trainee (OJT) Students ng Bangsamoro Multimedia Network (BMN) Inc. mula sa Maguindanao State University (MSU) sa isinagawang School Based Brigada Eskwela 2024 at Opening Program ng J. Marquez National High School na may temang “Bayanihan Para sa Matatag na Paaralan”, kasabay ang enrollment para sa S.Y. 2024-2025 na ginanap sa JMNHS Covered Court, General SK Pendatun Avenue, Mother Poblacion, Cotabato City kahapon araw ng Lunes, ika-22 ng Hulyo.
Bilang paunang bahagi ng aktibidad ay nagkaroon ng pormal na programa ang mga guro at mga opisyales ng paaralan kung saan inihayag ni Norhanudin Bryan A. Adam, HC School Principal ng JMNHS ang kanyang pasasalamat sa mga nagbigay ng donasyon tulad ng Water Dispenser, Electric Fun, Balde, at iba pa na mapapakinabangan ng paaralan sa darating na pasukan.
Layunin ng nasabing programa at ang preparasyon sa darating na pasukan ang pagtutulungan at pagkakaisa ng mga stakeholders, mga guro, mga magulang, at mga mag-aaral.
Samantala, ayon sa panayam kay School Principal Adam, optimistiko itong maabot nila ang quota ng enrollees ngayong taon sa kabila ng nararanasan nilang pag-baha sa paaralan.
Panawagan naman nito sa MBHTE bilang pagpapalakas ng suporta sa infrastructure development sa paaralam ay magkaroon sana sila ng karagdagang school building sapagkat ang paaralan ay flood zone area at madali itong bahahin sa panahon ng tag-ulan.
Ipinaabot naman nito ang kanyang pasasalamat sa mga Barangay officials at komunidad, na napaka supportive sa mission-vision ng paaralan, kabilang na ang mga guro, mga mag-aaral at sa lahat ng nakilahok at tumulong upang maging matagumpay na maisagawa ang Brigada Eskwela 2024. (Sopia A. Angko, Norhana E.Abdulnasser, Risna B.Abdulkarim, , Norhainie S. Saliao, Refaida M. Diro, Nurhaya A. Esmail, Arfa A. Esmail, Noraima A. Samad, Normina M. Kendayo, Fatima G. Guiatel, Rahima K. Faisal, Badria L. Mama, Noron M. Rajabuyan, Jowairia Abas, MSU-Maguindanao OJT ABIS Student, BMN/BangsamoroToday)